PALANCA by Kathy Roque O kay sakit, kay pait Ng isang pag-ibig na ipinagkait kunyari ay mahal ka rin niyang talaga 'yon pala siya lamang ay nagpapaasa Kay tagal mong naghintay, Mga oras ay sadyang pinatay Ngunit pagdating sa huli Ikaw ay isinang tabi. Ang luha mo, ang buwan at mga bituin lamang ang saksi Sana ay iyo ng iwaksi Bagong pag-ibig ngayon ay nariyan Ngunit ang payo ko sa'yo kaibigan Munting patlang sa puso, sa sarili ay iwanan. back to main page
© 1997 kamandag@rocketmail.com