ROQUE by Bones Palanca Oo't masakit at mapait sadyang iyan ang sinapit pag-ibig nga'y ipinagkait 'di pinaabot ang langit Tamang nagkunyari siya Tamang siya'y nagpaasa 'di nga nagbigay ng ligaya 'di nagbigay ng saya Ako nga'y kanyang pinaghintay ang oras ko'y kanyang pinatay patawad ako'y walang malay at lahat ay inialay pagdating nga sa huli ako'y siyang isinang tabi tanging luha ang saksi dapat nga siyang iwaksi at isa pa tama ka May nakita na akong iba dapat lang akong magtira ng hindi ako masara ngunit kung iisipin mo o kaibigan ko Okey lang nasaktan ako ikaw nama'y nakilala ko back to main page
© 1997 kamandag@rocketmail.com