Pinoy Classics
Salamat po sa pagbisita ninyo sa pahinang ito. Kung mayroon
po kayong reaksyon o iba pang nais ipahatid sa akin, huwag
mag-atubiling sumulat sa
balagtas@geocities.com.
Florante at Laura
FAQ
1. Para saan ang pahinang ito?
Ang pahinang ito ay para sa mga orihinal na sulating Pilipino na
sa aking turing ay mga "classics" -- mga sulating aking nabasa
na hindi malilimutan dahil sa kanilang mga kagalingan. Naghanap
na din po ako dati ng mga e-texts (electronic texts) na tulad
nito, ngunit wala po akong nakita. Karamihan sa mga web pages
na aking nakita ay mga reviews o kaya naman ay mga online
bookstores. Kaya't minarapat ko na punan ang kakulangang ito sa
pamamagitan ng pahinang ito.
2. Iisa lamang?
Maraming mga sulatin ang ating maituturing "classic". Kaya lang ay
iisa pa lamang ang naiisip ko na (1) maikli, (2) nasa "public domain"
na sa ngayon, at (3) mayroon akong kopya.
3. Mayroon pa bang iba?
Pinag-iisipan ko pa po sapagkat may iba akong pinagkakaabalahan
ngayon. Ngunit kung mayroon kayong mga e-text na nais ibahagi, huwag
mag-atubiling ipadala sa akin.
4. Gaano katagal mong ginawa ito?
Sapagkat wala po akong scanner at OCR software, inabot din ako
ng mga 50 oras upang matapos ito kasama na ang pag-proofread nito.
Kasama na dito ang tulong na ibinigay sa akin ng aking kapatid.
5. Bakit napili ang "Florante at Laura"?
Bukod sa mga dahilan na nasa (2), ang "Florante at Laura" ay nagdulot
ng malaking impluwensiya sa mga Filipino ng iba't-ibang henerasyon,
kasama ng henerasyon ni Rizal. Ito din ang sulating madami sa atin ang
nakabasa na at siguro'y nais ding balikan paminsan-minsan.
6. Kailan ka maglalagay ng sulatin ni Rizal at iba pang manunulat?
Saka pa, hahalukayin ko pa ang aking mga readings sa PI100 at
titingnan kung alin ang pwede kong ilagay dito.
Number of visitors since May 20, 1998:
Quick Book Search from Barnes and Noble: