Back to Main Page
Introduction
History
Cityhood
Geography
Government

Trivia
Directory
Facilities

Chat
Public Forum
Links

Sign Guestbook
View Guestbook

SANTIAGO MARCH

Jim Tulod
Jim Tulod

Titik at Tugtugin ni: JIM TULOD

Marami na akong napuntahan
Malalayong mga bayan
Bawat pook ay may katangian
May panghalina't kagandahan
Ngunit ang puso ko'y di mapalagay
Hinahanap-hanap ka bayang mahal (2x)

Santiago bayan kong sinta
Bituin kang sakdal ang ganda
Dangal ka ng Isabela sa kaunlara'y nangunguna
Kaming mga anak mo ay asahan
Nagkakaisa ng layunin sa bayan

Santiago tanglaw ko't buhay patnubayan ka nawa ng Maykapal
Santiago bayan kong sinta
Bituin kang sakdal ng ganda
Dangal ka ng Isabela sa kaunlara'y nangunguna
Kaming mga anak mo'y asahan
Nagkakaisa ng layunin ng bayan

Santiago tanglaw ko't buhay pagpalain ka nawa ng Maykapal
Magkaisa (Naririyan ang ating lakas)
Masipag ('yan ang daan ng pag-unlad)
Magmahalan, magtulungan ang lahat ay magaan
Hey! pum pum pum

Santiago bayan kong Sinta
Bituin kang sakdal ng ganda
Dangal ka ng Isabela sa kaunlara'y nangunguna
Kaming mga anak mo'y asahan
Nagkakaisa ng layunin sa bayan

Santiago tanglaw ko't buhay patnubayan ka nawa ng Maykapal
O Lungsod ng Santiago Mabuhay!


SANTIAGO
Bayan ng Pag-ibig
Titik at Tugtugin ni: JIM TULOD

La la la la la la la la la la la la la la la la
La la la la la la la la la la la la la la la la

Santiago bayan ng pag-ibig Aliwan ng dibdib
Bawat puso ay naaakit sa mabituin mong langit
Aliwiw ng mga batisan, salaminan ng buwan
At ang simoy ng amihan nagsasabog ng kaligayahan.

Kung ligaya ang 'yong hanap
Sa Santiago ka lumipat (Kung hanap kay lumipat)
Kasayahan oras-oras maghapon at magdamag (kasayahan magdamag)

Kung ang gabi ay mabituin at ang buwan ay nagniningning
Marahang bulong ng hangin masaya't mag-aliw
(Pa pa pa pa pa rap Pa pa pa pa pa rap)

O Santiago pook ng pangarap (Mga pangarap)
Sa karikitan mo ay ganap (Sa karikitan mo ay ganap)
Kung gabing buwan ay maliwanag (Maliwanag, maliwanag maliwanag)
O kay saya ng lahat (Masaya ang lahat)

Taginting ng mga gitara (Mga gitara)
Pang-aliw sa dusa (Pang-aliw sa dusa)
Ang kundimang pangharana (Kundimang pangharana)
Hibik ng pusong tapat suminta
Santiago mahal kita


January 11, 1999
© Copyright 1999
1