Sa araw ng mga Puso
Sa bawat pintig ng puso nagmula ang buhay
Sa paghinto nito'y buhay ay nagwawakas
Maraming mga pusong masasaya…
Ngunit marami rin namang pusong mga sugatan
Puso mo ba'y bihag pa rin ng mapaglarong mundo?
Puso mo man ay tumigas ng parang bato.
Ito nga'y titibok subalit mabibihag
Ng mga pusong mapagbalatkayo.
Disin sana'y hindi mo na ako nilayuan at iniwan.
Bagkus ay inalagaan na lamang
Ang puso kong ito na sa iyo'y patuloy
Na nagmamahal.
Bakit ba ang iyong puso'y natutunan limutin
Ang puso kong umiibig sa iyo
Ikakamatay ko ang iyong paglisan…
Buti na lamang isip ko'y tinutulan ang pagpapatiwakal.
Nagkaganoon pa man puso ko'y di malilimot ang nakaraan.
Kapag ika'y nasisilayan puso ko'y tumitibok
At nagkakaroon ng buhay.
Bigyan mo ng pagkakataon
Ang puso mo't puso ko'y maging isa.
Nang sa gayon ating malasap ang ligayang
Pinagkait ng tadhana.
Sa araw ng mga puso tanging ikaw
Ang nasa isip't diwa ko.
Alalahanin mo naman ako sa araw na ito.