Isa sa hindi ko malilimutan sa
Pilipinas ay ang pag abang sa mga bagong commercials sa TV
na naging bahagi na ng panonood natin. Hindi man natin
napapansin ay malaki ang naging impluwensiya nito sa pang
araw-araw na pamumuhay natin. May mga pagkakataon na
nagiging bukambibig pa natin ang ilang mga kataga sa isang
patalastas na hindi natin namamalayan....at doon sumisikat
ang isang produkto. At minsan ay nagiging pamagat pa ng
isang pelikula...o di kaya'y nakikilala natin ang modelo ng
produkto na siyang nagiging daan sa kanila upang sumubok sa
larangan ng showbiz...at ang ilan ay nagiging sikat na
artista.
Sige nga at ating balik-balikan ang
mga nakaraang patalastas na nakasisiyang
alalahanin. Ilan lamang ang mga ito sa mga
naalala ko na patalastas...hayaan n'yo at madaragdagan pa
ito kung tutulungan n'yo akong mag-isip....hmmmm sige ito
muna!!!
1. Sino ba 'tong namamangka sa ilog at suot-suot ang
t-shirt na "bench"?
2. Nililigawan siya ng isang binata na takot na takot
ipagpaalam sa kanyang Tatay para lang kumain sa Jollibbee?
3. Homeboys daw sila?!!!
4. Sinong magboyfriend ang sumakay sa ferris wheel na
enjoy na enjoy magtitigan sa kanilang mapuputing ngipin :-)
5."Si Neneng anak ni Mang Teban..." kanta ito sa San
Miguel Beer, sino si Neneng sa patalastas na ito?
6. Sino naman 'tong kumakanta na mala etnikong awit sa
gitna pa yata ng ilog ....sa patalastas na sarsi?
7. Sino namang magboyfriend na sumakay pa ng elevator
para lang mag diet coke sa roof top?
8. "I am the future of the world" ang kanta ng isang
paslit pa noon sa patalastas na coke.
9.La la la la la la shi boom shiboom....nakasuot na
puting-puti kasama ng Apo?
10.Siya ang dating pinahuhulaan ng Swatch kung sino ang
aapear na model ng sports swatch...dito siya nakilala at
ngayon ay artista na siya?
Sa wakas nandito na rin ang sagot!!!!
SAGOT SA SINO ULI SILA
1. Amanda Page
2. Alice Dixson
3. Alyssa Gibbs (anak ni Janno Gibbs)
4. Carlos Padilla
5. Sharon Cuneta
6. Aga Muhlach
7. Patrick Garcia
8. Rosanna Roces
9. Carmina Villaroel
10.Glydel Mercado sa White Castle whisky
SAMU'T SARI
1. Sinong artista ang nagsabi nito? ..."Pssst...meron ka
bang sikreto? Skin infection ang tinutukoy ko. Like buni,
alipunga, an-an at 'yung namumula sa singit, had-had!! Sa
Canesten Cream, goodbye sa mga fungi!!
2. "Maggimmick tayo, tara sa greenwich pizza!" Sino ba ito na mahilig gumimick???
3. Teacher: "What's the color of grass?"
Pupils: "GREEN!!"
Teacher: "What's the color of my shirt?"
Pupils: "BLUE!!"
Teacher: "And what's the color of my teeth?"
Pupils: Oh!! Off-white.... beige... mother of pearl!! :-)
Ano kayang commercial ito???
4. Maid: "KOYA!!! Tumawag si JEJE!"
BOSS: Si Jeje?????!!!....ohhhh si Jay-Jay!!!
Ano naman kayang nakakatuwang commercial 'to?
5."Nakita ko na 'yung hiyang sa akin, "Palmolive Shampoo!"
gandang hiyang sa'yo gandang hiyang sa hair mo!"
Sino naman 'to????
Salamat nga pala sa pinsan kong si Lot-Lot sa binigay niyang mga nakakatuwang commercial na 'to, mga latest commercials ito ngayon sa atin na hindi ko na naabutan.
SAGOT
1. Gelli de Belen
2. Rico Yan
3. Colgate
4. Bayantel
5. Judy Ann Santos
By the way, I got this concept from Benito Vergara who maintains Pinoy Quiz page, where I really enjoy reading his quiz (but no guts to join the contest).