SA KUSINA
Sa kusina, ako'y laging naglalagi Nagluluto ng ulam umaga, tanghali at gabi, Minsan naghahanap ng ibang recipe Pero iba talaga ang Pinoy delicacy.Salamat sa ina ko na nagtiyagang nagturo Mula pa sa pagkabata, minulat na sa pagluluto, Sayang nga lamang bago kami lumisan patungo dito Binawian siya ng buhay, hanggang ngayon di ko mapagtanto.
Sa ating pagkain kakambal na yata ay kanin, Hamburger, french fries at coke tila bitin pa rin Aking asawa special request na lutuin Kundi bulalo o sinigang siyempre with matching kanin.
Marahil aming si Armi, lalaki na sanay sa Pinoy na lutuin Buti naman at hindi siya pihikan sa pagkain. Kaya kahit "pangat"...pangatlong init na ulam na namin Hindi siya nagrereklamo kundi sapak ang aabutin.
Sabi nga,"The way to a man's heart is thru his stomach" Kaya eto asawa ko'y pinatataba kong tiyak At tila ako'y hindi na rin papayat Iba talaga pag magkasundo... lapat na lapat.
Masarap "daw" ang luto ko Siyempre dugong kapampangan yata 'to Sa pagluluto subok at garantisado hindi mapapahiya kahit na kanino.
balik sa labas ng bahay