Teen Movie Magazine
By Dominic Rea

    Hangang ngayon ay wala pa rin daw namamataang showbiz crush itong bagitong si Stefano Mori.  Naging diretsahan ang nagbibinatang G-Mik and Cyberkada star sa pagsasabing napakabata pa diumano niya upang maget-involved sa gano'ng situwasyon.
    Naging diretsahan naman ito sa pagsasabing kapag crush niya diumano ang isang babae'y siya na raw mismo ang kusang lumalapit dito.  Anu-anong eksena naman kaya ang kanyang gagawin?
     "Wala!  Makikipagkilala lang ako, tapos, kukunin ko ang number niya, 'yong ganoon lang."
     Papaano naman kung deadmahin naman siya nu'ng girl na gustong-gusto niya?
     "Okey lang!  Mas gusto ko nga ang ganoon dahil lalo akong natsa-challenge lalo na kapag talagang nalaman kong pakipot talaga siya, hindi ba?  Nakakaexcite kasi para sa akin ang ganoong babae, eh!"
     Kapag hindi niya naman daw crush ang isang babae'y inis na inis naman sawa siya sa pakipot ang dating!  Bakit kaya?
     "Nakakainis lang kasi, hindi ba?  Lalo na 'yong hindi mo siya crush tapos siya 'yong naglalapit sa iyo, hindi ba?  At saka ang pangit tignan ng babaeng ganoon."
     Kapag tinitignan siya ng karamihan, lalo na 'yong mga nagkakagusto sa kanya, ano usually ang laging napupuna sa kanya physically?
     "'Yung mga mata ko raw!  Sabi nila, maganda raw ang mata ko!  Grabe raw ako makatitig.  Du'n pa lang daw, mai-in love na raw sa akin ang girl.  Naku biro lang!  He-he-he!"
      Pero sabi naman nila, sweet naman daw siya.  Hindi lang 'yon kundi magaling daw makisama.  Totoo naman kaya, ito, huh?
      "Kasi, naniniwala naman akong mahalaga pa rin sa akin ang pagiging totoong tao 'ko.  Sabihin na nating guwapong-guwapo ka nga kung hindi naman pala maganda ang pag-uugali mo, pangit ka pa rin, hindi ba?  At saka, useless ang pagiging guwapo mo kung hindi ka marunong makisama sa iyong kapwa tao, ganoon ako.  Pero talagang sweet na ako noon pa lalo na doon sa mga taong nakakakilala sa akin.  Kung pakikisama lang, grabe, down-to-earth talaga ako."

/clipart/buttons/Generic/back4.gif
1