THANKS TO "KAYE DY" FOR THIS ARTICLE

Teen Movie Magazine
September 16, 1999
By Joey Diego

Sa tahanan ng mga batang kapuspalad namin muling nakatsika ang lalong gumagandang na si Camille prats.  Dinalaw kasi nila ang Cribs Phil. Inc.  sa Marikina as part of their activities sa kanilang school na DLC sa ABS-CBN.  High school na nga si Camille kaya naman ine-enjoy niya ang kanyang pag-aaral kahit lumipat na nga siya dito sa DLC at medyo iilan lang silang estudyante.  Una naming tanong sa kanya ay kung ano ba ang feeling niya at tila parang mas angat ngayon ang career ni John Prats kaysa sa kanya?

"Okey lang, kuya ko naman 'yon, eh!  Matagal na rin naman niyang hinihintay itong pagkakataon na ito.  Kung talagang mas sikat na siya sa akin ngayon, I'll be proud of him at totoo 'yon.  Natutuwa talaga ako para sa kanya.  Kasi matagal niyang hinintay na mabigyan din siya ng break tulad nga nung nangyari sa akin.   Sabay kasi kaming pumasok sa showbiz pero mas nauna akong nabigyan ng break para mikilala.  Alam kong nalungkot siya para sa sarili niya noon pero natuwa naman siya para sa akin.  Ngayong siya naman ang parang mas nabibigyan ng chance ay talagang malaki ang suportang ibibigay ko sa kanya.  Puwede akong mag-give way talaga", sunod-sunod pang sabi ni Camille.

Naniniwala ba siya na ang kuya niya ang susunod na Patrick Garcia.

"Yung pinakabagong crush ng bayan?  Pwede naman, di ba?  Guwapo naman talaga ang kuya ko ah!  Well, siguro if the right time comes at maganda rin naman yung mga projects na ibibigay sa kanya at maaalagaan pa siya ng husto ng ABS-CBN, puwede rin siguro siyang sumunod sa yapak ni Patrick.  Puwede rin siyang sumikat nang husto.  pero di dahil kuya ko 'yon ha!  Naniniwala lang kasi ako na may talent siya at talagang dedicated siya sa trabaho."

Tinanong din namin si Camille kung may nililigawan na ba ang kanyang kuya?

"Parang wala, malihim kasi yan eh.  Hindi yan nagkukuwento ng mga secrets niya.  Pero 'yung mga crush niya ay nalalaman ko like si Paula Peralejo noon, pero ngayon parang iba na ang crush niya.  Alam ko si Miriam Quiambao.  Pero lately may bago na naman yatang crush at di ko lang sigurado kung sino 'yon.  Pero 'yung nililigawan eh wala pa akong natutunugan." 

Samantala, dati ay, sunod-sunod ang ginagawa niyang pelikula pero ngayon nga ay mukhang madalang na siyang gumawang movie.  Mukhang napapabayaan na yata siya ng Star Cinema, ha?

"Hindi naman, meron din naman silang plano para sa akin.  Hindi ko pa lang alam kung kailan.  Naghahanap kasi sila ng magandang materyales para sa akin.  Alam nyo naman na mahirap talagang hanapan ng magandang role itong edad ko ngayon.  Naiintindihan ko naman yon at para sa akin di naman talaga ako naiinip dahil busy naman ako sa TV dahil meron akong Marinella, Oki Doki Doc at G-mik.  Bising-busy pa rin naman ako kaya hindi ko nararamdaman 'yon," sabi pa ni Camille.

Kamusta naman ang relasyon niya kina STEFANO MORI at MIKO SAMSON.  May nanliligaw na ba sa kanya sa dalawang ito?

"Ay, wala huh, mga kaibigan ko lang sila.  Walang nag-a-attempt dahil malalagot sila sa mommy ko.  Alam naman nilang ayaw pa akong paligawan ng mommy ko.  Bata pa naman kasi ako.  Saka mas okey na magkakaibigan na muna ang turingan namin.  Mas masaya kami kapag ganito saka si Stefano at Miko, mukhang wala pa rin naman silang balak na manligaw dahil career nila ang priority nila ngayon," pagtatapos pa ni Camille sa amin.

/clipart/buttons/Generic/back4.gif
1