- Banyaga sa Bangketa
-
- Ginoo 'wag mo na kaming gitlain
- O maliwin niring lilim
- Magiliw pa rin sa amin ang dilim
- Hinithit na namin ang lahat ng lihim
- Kabaong nga ng puso'y nariyan na rin
-
- Buksan mong kurtina ng iyong bintana
- Pirapirasong umaga
- Sisibol muli sa kalsada
- Tila tutubing pula
- Subalit sa iyo'y is lang trahedya
-
- Kahit kailan ma'y di kami magiging banyaga
- Sa sarili naming bangketa
-
-