Farewell...
From Jigs to Anton
"KUNG DATI NAPAG-IIWANAN NILA AKO PAGDATING SA
CAREER, NGAYON, MGA TSONG, HAHABULIN KO NA SILA! IT'S ABOUT TIME, WITH THE
HELP OF MY SWEETHEART RAVEN, MAY INSPIRATION NA AKO!"
Sa wakas, natuloy na rin ang paglipat ni Diego sa "Growing Up",
para tuluyan na ngang makasama ang ka-loveteam niya in real life na si
Raven Villanueva na magkikita na rin in reel sa pamamagitan ng show.
Akala kasi namin noon ay hindi totoo ang mga naturang lumabas na tsismis na
iiwanan na niya ang dati niyang ka-tropa. Pero heto at kamukat-mukat mo ay nag-
first taping day na siya sa "Growing Up".
Paano nga ba siya nakalipat sa ibang bakuran, samantalang nasa kalaban siyang
istasyon?
"Nag-offer sa akin ang Viva through Nanay Lolit Solis. Ang desisyon
ko ay nanggaling sa akin at sa Mommy ko, although 'yung final say sa akin talaga.
"Kasi nang mag-offer ang Viva, nag-counter offer ang Channel 2 na
magkakaroon ng revision ang character ko sa GIMIK!, hopefully, isa pa raw
na regular shows at movies.
"But honestly mas maganda ang offer ng Channel 7, unang-una, primetime
ang show. Pangalawa, nandito si Raven at pangatlo mas magiging realistic ang
loveteam namin, lalo na kapag magkakaroon ng kissing scene, natural lang
ang dating at pag-arte.
"Pang-apat, gagawa kami ni Raven ng telesine, sa January 14 and 16 ang taping
namin, magkakaroon kami ng episodes sa Spotlight, after one month, titingnan
ang progress ng loveteam namin, kapag maganda, magkakaroon na agad kami ng movie,"
pakuwento niya.
"Nag-final decision lang kami noong fina taping ko sa GIMIK! Pero nakapagpaalam
pa naman ako kina Jolina at Rico. Sabi nga ni Rico, mas mabuti
daw kung mag-stay na lang ako.
"Kaya lang naka-set na ang mind ko na gusto ko nang mag-Growing Up. SAka
excited naman ako, dahil new atmosphere, bagong character, 'yun ang importante
sa akin.
"Kasi ang character ko noon masyadong malungkot, hindi ko masyadong gusto. Dito
sa Growing Up, very normal, malapit sa totoong character ko sa tunay na buhay.
Kasi ang Anton na pinu-portray ko sa Growing Up, maporma, mayabang,
siga at hindi weirdo katulad ng role ko sa GIMIK! Tapos sa istorya,
bestfriend ko si Mike, galing ako ng Bacolod, ipinakilala niya ako sa
buong barkada, tapos kay Raven, na palagi kong inaasar, masarap kulitin dahil
sa katarayan niya.
"Marami akong problema, tipong pinag-enroll ako ni Michael, pero ayoko
namang mag-aral. Pero dahil concern sa akin si Michael, ginamit niya
si Raven, dahil parang student leader siya, kaya tinulungan niya ako, hanggang
sa unti-unti nang madi-develop kami, kaya sana abangan nila ang development ng
role namin ni Raven," sabi pa niya.
May nag-iisip na baka magkaroon siya ng problema sa cast lalo na kay Michael
sa sinasabing hanggang ngayon ay mayroon pa rin silang gap. Pero mukha namang
welcome na welcome si Diego sa tropa.
"Very welcome talaga, ang saya-saya ko nga noong kunan ang first sequence, kasi
bago ako pumunta sa set ng taping, kabado talaga ako. Pero bago nag-taping,
nag-meeting muna kami, 8 in the morning pa lang 'yun.
"Ang saya ng working condition namin, ang saya ng pagtanggap nila sa akin, lalo
na si Michael, ang babait nila sa akin. Hindi ko alam kung may wall pa
sa aming dalawa o nagplaplastikan lang kami, pero sa tingin ko hindi naman,dahil
pareho naman kaming professional.
"Pero kung ano man ang nangyari sa amin before, siguro dapat naming kalimutan,
since na magkasama na kami ngayon sa iisang show. Saka si Mike kapitbahay
ko pa 'yan, mula sa kuwarto ko nakikita ko ang garahe nila, nagba-basketball ako
araw-araw, nakikita ko siya, nagkakalaro kami.
"Tapos New Year pa, kaya sana naman maayos na namin kung meron pang dapat ayusin,
nag-shake hands kami sa Startalk last Sunday, kaya sa tingin ko okey na.
Saka noong magka-eksena kami, parang hindi naman ako nahirapan o nailang, nag-a-adlib
pa ako, na-touch naman ako dahil bati na kami ni Mike, kahit na nakalimutan
ko ang mga linya ko, lalo na noong first scene, talagang naka 4 or 5 takes ako,
ang dami akong palpak, pero okey naman," pahayag pa niya.
Sa tingin kaya niya ano ang magagawa ng paglipat niya sa "Growing Up"?
"Sa Channel 2 napag-iwanan nila ako pagdating sa career, ang masasabi ko
ngayon, mga tsong, hahabulin ko na sila. It's about time, with the help of my
sweetheart Raven , may inspiration na ako.
"Saka alam kong makakatulong nang malaki sa akin ang "Growing Up", kung
magcli-click nasa sa akin na 'yun at kay Raven. Basta very happy ako
sa ginawa kong desisyon, dahil hindi na naman ako masaya sa kabila. At least
dito masaya na ako, maliit lang ang family, kaya kung magkakaroon man ng
kompetisyon, healthy lang 'yun, hindi katulad sa GIMIK! talagang patayan.
"I hope na kahit paano ay makatulong din ako dito sa show, at sana naman 'yung
Michael-Raven fans, huwag nang magalit sa akin at 'yung mga GIMIK!
fans naman sana maintindihan nila ako sa ginawa ko, alam naman nilang true love
'yung sa amin ni Raven at isa nga 'yun sa dahilan kung bakit nasa
"Growing Up" na ako ngayon," huling tugon pa ni Diego at ease na
ease sa bago niyang ka-grupo.
HOME