MISMONG Talent Center na raw ang tumanggi na gawin ni BOJO MOLINA ang
pelikulang pagbibidahan nina JOLINA MAGDANGAL at MARVIN AGUSTIN. Kung si
Bojo raw ang tatanungin, okay lang daw sa kanya as long as approved din
naman sa Talent Center.
Kaso, masyado yatang napakaliit ng magiging role kaya sa halip na tanggapin
ng Star Cinema, tinanggihan na lang ng mga ito. Singer kasi ang kailangan
or 'yung at least, nakakakanta man lang kaya si Bojo talaga ang nasa mind,
higit ng direktor nito na si JERRY SINENENG.
Sa pagtanggi ng Talent Center na gawin ni Bojo ang movie, may balita kami na
baka si GIO ALVAREZ na raw ang pumalit at magiging triangle sa Jolina-Marvin
loveteam.
Singer din naman si Gio and besides, mukhang mas magiging interesting pa nga,
since, sa totoong buhay, nali-link talaga sina Jolina at Gio. Hindi nga
lang kumpirmado kung mapa-finalize na nga ang ganoong concept.