Kahit magpalit-palit pa tayo ng mga lider sa ating bansa, wala pa ring
magbabago dito sa showbiz. Ganu'n pa rin ang mga isyung pag-uusapan.
Heto ang wala pa ring katapusang buntisan issue na patuloy pa ring itinanggi
ni DIEGO CASTRO, ang balitang buntis ang girlfriend niyang si RAVEN
VILLANUEVA.
Ayon kay Diego, kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Raven dahil kailangang
i-renew daw nito ang kanyang green card. Ang isang purpose pa raw nito sa
pagpunta ng Amerika ay para hanapin ang kanyang Mommy na mahigit eight years
na niyang hindi nakikita.
"Bale two weeks lang siya doon. Don't worry, pagbalik niya dito sa atin,
patutunayan ko na hindi siya buntis," pahayag ni Diego.
Malaki lang daw talaga ang itinaba ni Raven dahil sa nahihilig na naman daw
itong kumain. "Kung nakikita n'yo noon si Raven during That's
Entertainment days, she was very fat talaga. Ngayon mukhang babalik na
naman siya sa dati niyang fatness," patuloy nito.
"Anyway, 'yang pagbubuntis, hindi naman maitatago 'yan eh. Lalabas at
lalabas din 'yan. In the end, the truth will always come out. Kaya
mghintayan na lang tayo. Let's see things na lang," mahabang pahayag ni
Diego.
Dagdag pa niyang pahayag, kung sakaling totoo man daw ang pagbubuntis ni
Raven, hindi naman daw nila ito itatago. "Pero imposibleng mangyari 'yun,"
bawi din nito. "Ayaw ni Mommy. Siguro kung gusto kong magka-baby with
Raven, baka mga three or four years pa.
Ganu'n kasigurado si Diego sa relasyon nila ni Raven. Feeling nito, mukhang
sila na talaga.
Kun'sabagay, botong-boto naman ang mga magulang ni Diego kay Raven dahil
malaki raw ang ipinagbago ng kanilang binata nang maging girlfriend nito si
Raven.
"Dati kasi, parang wala akong responsibility sa buhay. Napaka-wild pa ng
nightlife ko. Pero, nang kami na ni Raven, nawala na 'yun. Sa bahay na lang
ako at natuto na akong mag-save sa mga kinikita ko," pagmamalaki pa ni Diego.
Kaya sa ngayon ay mukhang desidido na siyang si Raven ang babaeng dadalhin
niya sa altar.