MARAMI ang nagsasabi na sa tatlong miyembro ng KOOLITS na kinabibilangan nina
JOHN LLOYD CRUZ, MARC SOLIS, at BARON GEISLER ay mukhang nakakaangat pa rin
daw ang una. Kumbaga, para sa kanila ay si John Lloyd pa rin daw ang
pinakasikat at mukhang sa kanilang tatlo ay ito pa rin daw ang magtatagal
sa larangang kinabibilangan nila ngayon.
Pero para kay John ay hindi niya gusto ang balitang 'yan dahil para sa kanya
ay sabay-sabay raw kasi silang inilunsad kaya dapat lang daw na kung saan
makarating ang isa sa kanila ay andu'n pa rin silang lahat.
"Sabay-sabay kaming pinaghirapan ng aming mother studio namin. Kaya dapat
lang talaga na sabay-sabay kaming sisikat," panimulang sambit pa ni John
nang makausap namin ito kamakailan lamang.
"Kaya nakikiusap ako sa mga press people na huwag naman sana silang maging
unfair sa isa sa amin. At para sa akin, kung may sisikat, eh, sabay talaga
kaming tatlo dahil tulung-tulong talaga kami at walang makakapayag na may
maiiwan sa amin or what," dagdag pa ng young actor.
And speaking of press people, halos karamihan na rin sa mga ito ang
nagsasabing mas madaling interbyuhin ang isang JohnLloyd Cruz kumpara sa
dalawa niyang kasamahan. Kumbaga, kung dadaanin sa publicity ay nakakalamang
si John Lloyd dahil sa mas lovable daw itong kausap kumpara sa dalawa.
Ano ang masasabi niya tungkol dito?
"Actually, mas exciting at mas lovable pa nga sigurong kausap sina Marc at
Baronm dahil kalog ang mga ito at marunong silang magpatawa, 'di ba? Hindi
kagaya ko, na sabi pa nila, eh, lagi raw seryoso, eh.
"At sa totoo lang, eh, boring nga masyado itong buhay ko, eh. Siguro lang sa
ibang press people, eh, interesado sila sa akin. Sa totoo lang sa lahat ng
mga nababasa nila sa akin sa mga diyaryo, sa magasin at sa iba pa, eh, konti
na lang talagang natitira sa akin.
"At kung meron man, eh, personal ko na lang 'yun. At ayoko na lang ilabas,"
sabi pa rin ng sikat na aktor.
Aminado naman si John Lloyd na may kanya-kanya raw talaga silang karisma sa
mga tao. At para sa kanya ay hindi raw dapat pagtalunan kung anu-ano ang
pagkakaiba nila sa isa't isa.
"Ang gusto ko kasing lumitaw sa aming tatlo, eh, pareho kaming sisikat nang
sabay sabay, kumbaga, pantay-pantay talaga. Gusto ko talaga ganu'n lang.
"At hangga't hindi nawawala at nandito pa rin at sinusuportahan pa rin ninyo
ang Koolits, eh, gusto ko pantay pantay pa rin kami. Ang ayoko lang talaga,
eh, 'yung makarinig akong mayn nakakaangat sa amin," sabi pa rin ni John.
Pero aminado naman ang young actor na darating din daw ang panahon na
kailangan na nilang magkanya-kanya na. Kumbaga, darating din ang pagkakataon
na kailangang makilala na sila as a solo star at hindi na isang grupo.
"Pero ang sa akin lang hangga't buo ang grupo namin, eh, buo pa rin talaga
ang suporta nila sa amin. Kumbaga, inilunsad nila kami as a group, eh,
kailangan din naman sigurong pantay-pantay ang treatment nila sa amin.
"Kumbaga, walang mas sikat at walang naiiwanan," sey pa rin ng young aktor.
May mga nagsasabi rin na nasa kanilang tatlo ang susunod na magiging AGA
MUHLACH, RICHARD GOMEZ, at iba pang sikat nating artista sa ngayon. Sa takbo
kaya ng pangyayari kanino maaaring ikukumpara ni John Lloyd ang sarili niya?
"Well, sa totoo lang noon pa naman sinasabi ko sa inyo na hindi ako boto
diyan sa kinukumpara ang sarili sa iba, eh. Kumbaga, ayokong masasabi ng iba
riyan na ginagamit natin ang mga sikat, 'di ba?
"Ang sa akin lang kung puwede namang gumawa ka ng sarili mong pangalan, eh,
bakit naman kailangan mo pang manggamit ng ibang pangalan, 'di ba? Puwede
naman sigurong sisikat ang sinuman na wala kang gamiting ibang pangalan, 'di
ba?
"Kahit papaano, eh, nakakahiya din 'yun sa pinagkukumparahan mo. Puwede
sigurong sabihin mong iniidolo mo siya at kung sakaling bibigyan ng
pagkakataon, eh, gusto mong sundan ang yapak niya.
"Pero hindi pa rin 'yan puwede, eh. Mas exciting kasi kung sumikat ka at
makilala ka sa sarili mong identity at hindi 'yung may ginagaya kang ibang
tao, 'di ba?" mahabang paliwanag pa rin ng ka loveteam no KAYE ABAD.
At hindi rin talaga boto si John Lloyd sa sinasabi naman ng iba na siya na
raw ang susunod na PATRICK GARCIA.
"Hindi naman sa tinatanggihan kong maging susunod na Patrick Garcia, eh.
Kumbaga, best actor na 'yan at sikat na talaga, 'di ba? Sa totoo lang
kinaiinggitan nga siya, 'di ba?
"Pero 'yung inggit ko, eh, ginawa kong inspirasyon. Hindi naman kasi
puwedeng maging kapalit niya. Dahil 'andiyan na siya at tiyak na tiyak na
magtatagal siya sa puwesto niya ngayon, di ba?
"Mahirap na talaga siyang palitan. Patrick is Patrick na talaga at abangan
na lang siguro nila kung hanggang saan makarating ang isang John Llod Cruz,"
halos natatawa pang pagtatapos ni Mr. John Lloyd Cruz.