Patrick Garcia...On His Lovelife (Part 2)





HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin ganu'n ka-vocal ang young actor na si PATRICK GARCIA kung pag-uusapan ang tungkol sa lovelife niya. Pero hindi naman niya itinatago na hanggang sa ngayon pa rin daw ang paghanga niya sa ka-loveteam niya ngayong is TANYA GARCIA.

Pagdating kasi sa loveteam, si Patrick daw ang tipo ng isang lalaking mas gusto nitong hangga't maaari ay manatiling private ito.

At siya rin kaya ang tipo ng lalaking madaling ma turn-off sa isang girl na laging binibida ang tungkol sa takbo ng lovelife nila?

"Well, hindi naman, okey lang, I mean, meron naman talagang girl na mas gusto nilang ipagmalaki sa mga kasamahan nila na nililigawan siya or sila ng isang guy, 'di ba?" umpisang balik-tanong ni Patrick.

"And for me, kahit na ikukuwento pa ng girl 'yun, eh, wala naman tayong magagawa, eh. Kumbaga, tuloy pa rin naman ang takbo ng lahat-lahat kahit pagpipiyestahan pa nila 'yun," dugtong pa rin ng premyadong aktor.

Kilalang-kilala na nga ba ngayon ni Patrick si Tanya Garcia?

"Honestly for me, eh, hindi pa talaga sigurado, eh. It is because hindi naman kami araw-araw nagkikita at nag-uusap. But it is a fact na siya pa rin until now ang inspirasyon ko."

"We're close at hanggang doon lang muna 'yun sa ngayon," tugon pa niya.

Pero hindi kaya sumagi sa isip ng isang Patrick Garcia na in the near future ay si Tanya na nga ang magiging ina ng mga anak nila?

"Well, ang bilis naman, 'di ba? Pero ang totoo lang, eh, ayoko ko na kami na nga ang magkatuluyan tapos hindi naman matutuloy, eh, baka, ma-broken-hearted lang ako.

"Kaya let's see na lang what will happen. Hintayin na lang siguro natin 'yun. Kung kami talaga, eh, kami. Pero kung hindi naman, eh, anong magagawa natin.

"Tuloy pa rin naman siguro ang ikot ng mundo ang isang Patrick Garcia lalung-lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig. Paano nga ba maipapakita ni Patrick ang pagmamahal sa babaeng gusto niya?

"Ako, eh, sa tingin ko kung mahal ko ang isang girl, eh, very sweet talaga ako sa kanya. I'll take good care of her at pati na sa mga taong mahal din niya.

"But I think kung gusto mo talagang malaman kung paano ko maipapakita sa girl ang love ko, eh, it is better siguro na you ask them na lang.

"I mean, sila naman talaga ang nakakaalam kung paano, 'di ba? Pero as of now, talaga eh, wala pa talaga. But if ever na magka-girlfriend ako or let's say nag-uumpisa na akong umakyat ng ligaw sa isang girl, it is better to ask them kung paano ko ipinakita sa kanila ang pagmamahal ko.

"Honestly kasi, eh, madali namang magsalita at sabihin mong sweet kang magmahal pero sa totoo lang naman, eh, hindi mo naman kayang ipadama 'yun sa isang girl na gusto mo, eh.

"It is better na kayo na mismo ang mag-ask sa girl, 'di ba?" natawa pang balik tanong ng Star Awards Best Actor.

Maganda ang takbo ng career ng isang Patrick Garcia. After na tumanggap siya ng dalawang acting awards sa taong ito ay nakadagdag 'yun ng kinang sa kanyang pagiging aktor.

At sa ngayon, kahit na sabihin pa niyang loveless pa rin siya ay masaya na rin naman siya sa takbo ng lovelife niya sa kasalukuyan. Ano pa ang ine-expect na mangyari ni Patrick sa career niya?

"Well, sana magtuluy-tuloy lang itong magandang takbo ng career ko. And I hope na all my coming, eh, kikita sa box office. But still, anything siguro will happen naman according to God's will.

"I mean, Siya naman talaga ang masusunod sa lahat, eh. Kung anumang ibibigay Niya sa akin, eh, better still na dapat itong ipagpasalmat sa Kanya 'yun," pananalita pa rin ng sikat na young actor.

Pero sa ngayon talaga ay pinaghandaan talaga ni Patrick ang plano niyang pagbabakasyon sa Amerika ng isang buwan. Kumbaga, tinatapos niya ngayon ang lahat ng mga commitments niya para matuloy ang plano niyang ito.

"Gusto ko na kasing maiba naman kahit for a short period of time ang atmosphere ko, eh. I mean, hindi naman kasi puwedeng trabaho na lang nang trabaho, 'di ba?

"Kailangan din naman natin minsan ang bakasyon talaga," tugon pa rin niya.

And speaking of commitments niya, ano naman ang masasabi niya sa balitang panay daw ang reklamo niya sa role niya sa isang TV show na kung saan isa siya sa mga mainstays? Kumbaga, parang nabalewala na lang daw ang role niya at may kung sinu-sinong pinaboran daw na mga kasamahan niya?

"I don't know anything about that thing. Wala namang nagrereklamo, eh," paliwanag pa niya agad.

"And honestly, hindi ako 'yung taong mahilig magreklamo sa bagay na 'yan. For me, kasi anumang ibinigay na role sa iyo, eh, dapat mong paghusayan talaga at hindi 'yung reklamo ang maririnig nila sa iyo," pagtatapos pa ni Mr. Patrick Garcia.




[ B A C K ]
1