'YUNG mga mother raw natin ay napakaraming kuwento na kung minsan,
nagmumukha na tuloy parang silang plaka ang mga mothers sa kauulit sa ilang
katawa-tawa or memorable things na nangyari during the time na bagets na
bagets pa ang anak nila.
Kaya naman ikukuwento ng Koolits ang mga mothers nila noong mga bagets pa
sila hanggang ngayon na ibinibida pa rin sa kanila na something funny during
their childhood.
So, here's their story......
BARON GEISLER
"Ang natatandaan kong story, na habang lumalaki ako, palaging sinasabi ni
mommy na pinulot lang ako sa basurahan. Pero, hindi naman ako naniniwala
sa kanya dahil alam ko namang hindi talaga ako pinulot sa basurahan.
"At saka, kadalasan naman talaga may mga ganoong stories 'yung mga mother na
sinasabing 'yung mga anak daw nila, pinulot sa basurahan."
JOHN LLOYD CRUZ
"Ang kuwento sa akin ng mommy ko, noong nasa nursery pa ako, eh, malapit lang
'yung school namin sa bahay namin. May project kami na kailangang
mag-drawing ng elise, eh, hindi ako marunong mag-drawing, so, umiyak daw ako
nang umiyak.
"Tapos, ang gianwa ko raw, umuwi raw ako ng bahay namin at pagkatapos,
tinawag ko raw ang kuya ko at doon ako nagpagawa sa kanya. Eh, paborito
naman daw ako ng titser ko that time."
MARC SOLIS
"Yung naikukuwento nila sa akin ng mommy ko, dati raw kasi, mahilig akong
kumanta kapag nariyan 'yung relatives namin and also some friends, pero,
palagi naman akong sintunado, tapos pilit ko pa rin daw niri-reach 'yung
pinakamataas na tone."