"ITONG Nagbibinata ang second movie ko sa Star Cinema.
"Ang first movie kasi na ginawa ko sa kanila ay ang Ikaw Pala ang Mahal
Ko together with ARIEL RIVERA and GELLI DE BELEN.
"Introducing lang ako sa pelikulang 'yun pero naging maganda naman ang labas
ko kahit na maiksi ang role na aking ginampanan. Pero dito sa
Nagbibinata ay mahaba na talaga ang exposures ko," ang lahad ni JOHN
LLOYD CRUZ sa presscon ng naturang pelikula.
Kabilang sa mga artistang kasama ni John Lloyd sa pelikulang ito ay ang
grupo niyang Koolits na sina MARC SOLIS at BARON GEISLER at ang award-
winner young actor na si PATRICK GARCIA.
Gayon pa man, sinasabing pelikula ito ng Koolits at si Patrick ay
suporta lang rito.
"To be fair with him, hindi naman yata tamang sabihing suporta lang si
Patrick sa pelikula naming ito.
"To be honest with you, I would say na si Patrick pa rin ang bida sa movie
namin. Kaming Koolits ay nag-play support lang talaga.
"Maaari ba namang maging bida kami rito eh bago pa lang kami sa showbiz di
katulad ni Patrick na matagal-tagal na rin sa industriya.
"Pagdating naman sa achievements ay mas marami na siyang naabot kumpara sa
amin na wala pa kaya, dapat lang na maging fair tayo sa kanya.
"Masyado kasing nakakahiya sa part namin kung kami pa ang palalabasing bida
rito. Nakakahiya sa mga fans ni Patrick," ang mga birada pa niya.
Anyway, kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya with Patrick?
"Masarap kasama si Patrick dahil wala siyang kaere-ere sa katawan," mariing
sambit pa niya.
"The best katrabaho si Patrick. Kung dati ay pinapanood ko lang siya sa TV
at sinehan, ngayon kasama ko na siya.
"Feeling ko tuloy ay napakasuwerte kong tao dahil nakasama ko siya sa movie!"
ang may ngiting sabi pa niya.
Nu'ng una, nagkaroon ng kumpetisyon sa pagitan nina John Lloyd at Patrick.
Kasi nga, mula nang mag-artista ang guwapong bagets bigla na lang
naitsapuwera sa eksena si Mr. Batang PX.
Meron pa rin bang kumpetisyon sa pagitan nila?
"Nu'ng una ay meron talaga pero ngayon ay wala na. Mas magandang nawala na
rin 'yung competition sa pagitan namin dahil wala akong kalaban-laban sa
kanya 'pag nagpatuloy pa ito.
"Tulad nga ng lagi kong sinasabi, bago pa lang ako sa business na ito. Wala
pa nga akong isang taon at wala pa ring napapatunayan kaya hindi talaga
magandang i-level ako kay Patrick.
"Pero gayun pa man, masaya pa rin ako sa takbo ng aking career lalo pa't
unti-unti na akong nakikilala ng mga tao," ang sabi pa niya.
Masyado pang bata si John para umibig?
But hold your breath, at his very young age, nakaapat na siyang girlfriend.
Kasama ba si KAYE ABAD sa naging girlfriend niya?
"Hindi. Kasi, magkaibigan lang talaga kami nu'ng tao. But I'm not hypocrite
to say na gusto ko siya.
"Madali kasing magustuhan si Kaye lalo pa't nasa kanyang lahat ang mga
katangiang hinahanap ko sa isang babae.
"Pero, ang crush na crush ko talaga before ay si MIKEE COJUANCO. Hindi lang
si Mikee ang crush ko kundi pati na rin ang mga kapatid niya ay crush ko,"
pagri-reveal pa ni John Lloyd bilang hudyat sa pagtatapos ng usapan.