Face to Face with Baron Geisler





Ibang-iba sa personalidad ni BARON GEISLER ang role na ginampanan niya sa latest movie na Nagbibinata under Star Cinema.

Kung sa pelikulang ito ay may pagka-torpe siya at pakipot, sa totoong buhay ay mahilig ito sa chicks at mabilis pagdating sa panliligaw sa babae!

In face, alam ng buong taga-showbiz na meron siyang MATET DE LEON at very vocal pa rin siya sa pagsasabing type niya si LAURA JAMES, KIM DELOS SANTOS, a ang pina-partner sa kanya ng Talent Center na si KRISTINE HERMOSA.

"Medyo opposite nga sa personality ko 'yung role ko sa movie dahil dito ako 'yung hinahabul-habol ni Kristine at ako pa 'yung pa-hard-to-get pero, in real life, hindi ako ganu'n dahil hindi naman ako pakipot!

"Ayoko namang sabihing mabilis ako sa chicks pero 'yun daw ang image ko. Totoo ba 'yun?" ang balik tanong niya sa presscon ng pelikula.

Pero, paano nga ba nagsimula ang tsismis na mabilis siya sa babae?

"Siguro, alam n'yo namang makulit ako noon. Baka na mis-interpret lang nila ang pagiging sobrang kulit ko sa babae.

"Friendly lang talaga ako. Kahit na sinong babae, lalo na kapag close sa akin ay sinasabihan ko talaga ng 'I Love You' pero, pabiro lang 'yun at hindi seryosohan. Siguro, magsasalita lang ako ng ganyan 'pag nakita ko na ang babaeng mahal ko. Siguro, du'n ko na lang seseryosohin ang bagay na 'yan."

Pero, sa lahat ng babaeng na-link sa iyo, sino ba talaga ang pinakagusto mo?

Kumunot-noo muna si Baron nago nagsalita.

"Actually, lahat sila type ko dahil lahat sila magaganda.

"Like si Kim, cute siya. Si Laura, maganda ang katawan niya. Si Kristine naman ay maganda rin.

"Pero para sa akin, si Matet ang pinaka-attractive, ha-ha-ha!" at humagalpak na siya nang tawa.

"I really like Matet dahil almost two years na kaming magkakilala. Kumbaga, alam ko na ang mga moods niya. Ang tantrums niya.

"Eh 'di ba nga, natsismis pang mag-on kami? Pero bata pa kami no'n. Sana nga ay tinuloy ko na lang ang panliligaw ko sa kanya.

"Natakot lang ako sa MAMA niya.

"Ngayon, hindi na kami nagkikita ni Matet. Wala na akong alam na balita tungkol sa kanya.

"Si Kristine ang lagi kong nakakasama ngayon. Pero hindi ako nanliligaw sa kanya. Trabaho lang ang lahat ng ginagawa namin at walang personalan.

"Besides, alam kong hindi ako ang type ni Kristine. Alam ko kasi kung sino ang gusto niya. Pero okey lang," kibit balikat pa niyang sabi.

Second movie rin ito ni Baron sa Star Cinema. Masuwerte nga rin siya dahil alagang-alaga siya ng kanyang mother studio.

Sa ngayon, hot na hot ang guwapong young actor at isa nga siya sa may pinakamaraming fans sa kasalukuyan.

Marahil ito ang dahilan kung bakit parang lumabas na bida sila sa nasabing pelikula gayong si PATRICK GARCIA ang totoong bida rito.

Any comment, Baron?

"That's not true. Si Patrick pa rin ang bida sa movie namin. Siya pa rin ang magdadala ng movie and I'm not hypocrite to say it dahil hindi 'yun ang totoo!

"Support lang talaga ang Koolits dito!" paniniguro pa niya.

"Tungkol sa mga fans, I don't think na gano'n na nga karami ang mga fans ko. Hindi ko pa rin iniisip na sikat na ako."

Sa kanilang tatlo, sinasabing si JOHN LLOYD CRUZ ang mahigpit niyang karibal?

Naniniwala ba siya rito?

"Hindi uso ang kumpetisyon sa amin. We are here to work as a group. Gusto naming makilala kaming pare-pareho. Iba 'yung bonding namin ngayon compared before. Para na kaming magkakapatid ngayon dahil kung may problema ang isa ay pinag-uusapan namin ito. We try to give solution sa problema ng isa't isa. Sana nga ay magtuluy-tuloy pa ang closeness naming tatlo. Sana hindi dumating 'yung time na maghiwalay kami dahil mahal ko ang grupo, mahal ko ang Koolits," ang huling wika na lang ni Baron.




[ B A C K ]
1