Judy Ann...On Her "One"





Gumagawa ngayon ng pelikula si Judy Ann Santos sa Viva Films, kung saan katambal niya si ONEMIG BONDOC. Pero imb'yerna raw itong si Judai dahil magulong kausap ang mga tao sa nabanggit na movie outfit. Kung si Judai nga lang daw ang masusunod, ayaw na sana niyang ituloy ang nasabing proyekto pero dahil nakapirma siya ng kontrata kung kaya wala siyang choice kungdi ang magtrabaho kahit ang totoo'y asar na asar siya.

"Ganito kasi 'yun, nainis lang ako at sumama ang loob ko, kasi ba naman, tinanong nila ako kung meron akong make-up-artist na sarili, sabi ko, meron. So ako naman pinapunta ko 'yung make-up-artist ko para mag-demo sa kanila, so ayun, nag-demo nga siya. After that, hindi na namin nalaman kung nagustuhan ba nila 'yung ginawa niya o hindi!

"Magsisimula na 'yung pelikula eh hindi pa nila sinasabihan 'yung make-up artist ko, so ang ginawa ko eh tinawagan ko siya at isinama. Ayaw pa nga sana nu'ng tao na sumama sa akin dahil wala ngaang pormal na pasabi ang mga taga-Viva na kukunin nila 'yung make-up artisit ko.

"Pagdating sa location, du'n ko na lang nalaman na hindi pala nila kukunin 'yung tao, so napahiya ako sa kanila at pati na rin siyempre du'n sa make-up artist ko!

"Ang sa akin lang, respeto man lang na sana, sinabihan nila ako kaagasd para nagawan ko ng solusyon 'yung tungkol du'n, ang nakakahiya kasi pinilit ko pa 'yung tao.

"Hindi naman siguro maiiwasan na mainis ako lalo pa't napahiya talaga ako! Eh alangan namang matuwa ako sa set. Bukod do'n ngayon ko lang sila nakatrabaho kaya s'yempre kahit paano naiilang pa rin ako!" mahabang paliwanag ni Judy Ann sa kanyang shooting.

Hindi rin daw ba niya type 'yung pagiging bolero ni Onemig Bondoc, kaya hindi rin daw siya at eae sa binata?

"Hindi naman, kilala ko naman si Onemig, and even before pa eh alam ko na 'yung pagiging bolero niya, pero mabait naman siya. Okey naman 'yung rapport namin sa movie. Saka walang kaso sa akin kahit gaano pa ka-bolero 'yung leading man ko, basta ba wala siyang ginagawang palso sa akin at sa tingin ko maganda naman siyang katrabaho, walang problema 'yun, kahit playboy pa siya," sey pa ni Judai tungkol kay Onemig.

After WOWIE, si RICO a ang makakapareha niya sa pelikulang gagawin niya? Bakit si Onemig bigla ang naging kapareha niya? Totoo ba na ayaw na ni ALFIE LORENZO na tumambal siya kay Rico?

"Hindi naman sa ayaw ng manager ko kay Rico, nagkataon lang kasi na naisara na itong project na ito after nu'ng pelikula namin ni Wowie. Tapos, kalakasan ng promo ng pelikula namin ni Wowie nang sabihan niya ako na dapat huwag muna akong mali-link kay Rico dahil baka nga maapektuhan ang movie namin ni Wowie. Pero after this, okey na uli ang lahat. It's just that nauna lang talaga itong kay Onemig at ito ang naisara niya after that movie na ginawa ko with Wowie.

"Tuloy pa rin naman 'yung loveteam namin ni Rico at naniniwala ako na malakas pa rin ang hatak ng team-up namin, sana suportahan din nila itong sa amin ni Onemig tutal naman pelikula ko rin ito!" sey pa ni Judai.

Tungkol pa rin sa kanyang manager. Totoo ba na tumanggi ito na kunin ang serbisyo nina MARVIN, BOJO, at DIETHER para i-guest sa Star Drama Theatre kung saan si Judy Ann ang featured artist for this month? Diumano si Wowie lang daw ang taga-Dos na papayagan ni Alfie Lorenzo na itambal kay Judai?

"Sa bagay na 'yan, I think wala ako sa posisyon para sumagot dahil unang-una, hindi naman ako 'yung nakipag-usap sa mga taga-Star Drama. Kumbaga, nu'ng tanggapin ko 'yung trabaho sarado na ang usapan nila. So unfair naman na magsalita ako para sa manager ko.

Eh 'yung tungkol sa pagtanggi ng ABS na request niya na i-guest si GLADYS sa kanyang Star Drama, hindi ba siya na-offend?

"Hindi naman. Kasi, me reason din naman ang ABS kung bakit hindi nila puwedeng pagbigyan 'yung request ko. At naiintindihan ko naman sila sa parteng 'yun. 'Yun nga lang, nanghininayang pa rin ako dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkasama ng kaibigan ko sa trabaho and I miss her already," malungkot na pagwawakas ni Judai.




[ B A C K ]
1