1. Hindi feel ni Kaye na laging nakikita ang mukha niya sa mga magasin.
Yes, kung 'yung ibang artiata ay gustung-gusto at tuwang-tuwa kapag
nakikita ang kanilang face sa mga magazine, si Kaye naman ay hiyang-hiya.
Minsan nga, noong napadaan siya sa isang record bar at nakita niya ang
poster niyang nakadikit doon, umiwas talaga ito ng way para hindi makita ang
sariling mukha.
2. Hate na Hate ni Kaye ang inili-link siya sa hindi niya type. Talagang
mag-iinit ang ulo niya kapag tinutukso siya sa mga manliligaw niyang
hindi niya gusto.
3. Kung gusto man ninyong mapalapit kayo at mag-win sa puso Kaye, payo sa
mga crush ni kaye, huwag na huwag ninyo siyang liligawan dahil mawawala
ang pagkaka-crush niya sa inyo.
4. Sa mga balak manligaw, siguraduhin lang ninyong may bitbit kayong any
novelty na may Tweety. Feel na feel niya ito talaga.
5. Huwag na huwag liligawan o kaya ay aasarin si Kaye kapag bagong gising
at tiyak, maaasar ka rin.
6. Iyakin talaga si Kaye as in iyak talaga nang iyak, hu-hu-hu-hu!
7. Sobrang mahiyain si Kaye na napagkakamalan ng ibang supladita.
8. Madaling mahawa si Kaye ang mgasalitang lagi niyang naririnig. As in
para siyang recorder na makakabisa na madalas na marinig. Kaya never na
magsalita kayo nang masama dahil siguradong mahahawa n'yan si Kaye.
9. Matakaw sa nuggets si Kaye. Kahit siguro araw-araw siyang kumain nito,
hinding-hindi siya magsasawa dito.
10. Kapag sakay ka ng van ni Kaye, wala kang ibang maririnig na pinatugtog
kundi ang album niya na talaga namang makakabisa mo na dahil
hinding-hindi siya nagsasawang pakinggan ang mga kanta dito.
11.Feel na feel ni Kaye ang magpunta sa Island Cove pero bago mo siya
yayaing pumunta roon, siguraduhin mo munang nakalubog na ang araw dahil
hate na hate niya ang sun dahil baka lalo raw siyang umitim.
12. Nahihiya si Kaye na ngumiti kapag nasa mall lang siya dahil takot na
takot siyang mapahiya na baka 'yung ngingitian niya ay hindi siya
gantihan ng ngiti kaya minsan ay nakayuko na lang itong naglalakad.
13. Dalawa ang citizenship ni Kaye kung kaya't isa siyang Amerikanang
Pilipina. Pagdating pa niya ng 18, doon pa lang siya mamimili kung ano
talaga ang gusto niyang maging citizenship.
14. Good news sa lahat, nabawasan na ang hilig ni Kaye sa telepono dahil 'yun
daw madalas niyang katelebabad dati ay madalas na rin naman niyang makita
ng personal. Sino kaya 'yun?
15. "Yes! Da best!" ang madalas sabihin ngayon ni Kaye, wala lang, gusto niya
lang 'yon at hindi niya feel mag-explain.
16. Sixteen na siya pero ang feeling niya, bata pa rin siya at feel niya pa
rin ang maglaro. Sana naman, hindi maglaro sa pag-ibig at baka umiyak si
John Lloyd 'pag nagkataon.