NAKU HA! Marami nang napa-plastikan sa singer-actress na si JOLINA
MAGDANGAL. Sumusumpa-sumpa pa kasi itong ligawan pa lamang ang nangyayari
sa pagitan ng kanyang kalabtim na si MARVIN AGUSTIN, and yet sinabi nitong
nagkakaroon siya ng pagseselos everytime na may nali-link na ibang girl sa
kasamang aktor.
Ano nga raw ba ang totoo, Jolina?
"Inaamin ko naman na sinabi kong nagseselos ako kay Marvin paminsan-minsan.
Kaya lang, 'yung selos na may pagka-tampong-purorot," mismong wika pa ni
Jolina.
Ang selos na sinasabi ni Jolina ay hindi lamg daw sa dahilang may naririnig
siyang ibang babae sa buhay ni Marvin.
"Like, nu'ng may pupuntahan kami dapat minsan. E, hindi kami natuloy. So,
nagtatampo ako sa kanya. Tampong gigil na gigil talaga. Ang ending, hindi
ko siya pinapansin the whole time.
"Kaya lang, Marvin has a different manner para ma-win back ang atensiyon mo.
He's in fact, lovable kaya't hindi ko siya matiis na 'di siya mapatawad.
"Malambing siya at sweet. mga qualities ng isang lalae na nakaka-turn-on,"
wari'y kinikilig nang pahayag ng young actress.
Napaiyak na rin ba siya ni Marvin?
"Wala. Not ever an instance," super-iling pang sagot ni Jolina.
"Over naman. Hindi naman ganu'n ka-dramatic ang pagsasamahan namin ni Marvin
na iiyak na lang ako sa isang tabi 'pag meron akong hindi nagustuhan sa
kanya. 'Di ba? Over-acting na yata 'yon," kutya pa ng dalaga.
Muli, inamin ni Jolina na hanggang ligaw lamang nag napi-feel niya sa
binatang aktor. Bukod nito'y kinikilala pa ng bawat isa kung ano ang
nararamdaman ng mga ito sa mga sarili.
"You know, kung sa amin lang magsi-seminar ang tulad naming mga kabataan, I'd
rather advise them na tumulad sila sa amin ni Marvin.
"We're super-close na, others mistook it na kami na nga dahil nga sa mga
nakikita nila but I don't deny the fact naman na wala pang seryosohang
nangyaayri sa aming dalawa. We're getting to know each other better as days
pass.
"Sa ganitong paraan, makilala n'yo ang katangian ng isa't isa, kung ano
ang ugaling ayaw mo sa kanya and vice versa. At...wala pa kayong commitment
na dapat pangalagaan, huh!" pagmamalaki pa ng dalaga.
Maganda nga itong sinabi ni Jolina. Nagkakasama kayo almost everyday.
Masaya kayo pareho sa inyong pagsasama and yet, libre pa kayong dalawa sa
ibang mga suitors na papasok.
"Di ba, we're fre as a bird at wala kaming dapat pangilagan sa isa't isa."
Sinabi rin ni Jolina na malayo sa imposible na baka sa darating pang mga araw
ay sila na ni Marvin basta lamang be consistent itong kanyang kalabtim sa
pagpaapkita ng kanyang taos-pusong pagmamahal sa kanya?
"Many times I have said na hindi ako nagsasalita ng patapos. I'll just
crossed the bridge when I get there," matalinhaga pang sagot ng sikat na
sikat na youngstar of today.
"Yun nga lang, sabi ng iba, nabubulag at namamanhid ang kabuuan mo 'pag mahal
mo na 'yung isang tao. 'Pag puso na raw ang umiral, hahamakin ang lahat
makamtan ka lamang.
"Well, on my part at sa mundo natin ngayon, sa trabaho ko ngayon at sa image
ko ngayon, dapat isasaalang-alang ko ang kinalalagyan ko ngayon at hindi
ako basta-basta magpapabulag.
"Kailangan, head muna over my heart," matalinong sabi pa ni Jolina.
May sinabi rin si Jolina na kung sakaling magkakaroon siya ng boyfriend, mas
gugustuhin niya 'yong kakilala niya't naging kaibigan. Si Marvin pa rin ba
ang kanyang tinutukoy?
Ano naman kaya ang dahilan na puwede niyang ika-turn-off sa lalaking
pinakamalapit sa kanyang puso sa ngayon?
"Siguro, 'pag trinaydor niya ako at naglilihim siya sa akin. That's the time
siguro na magagalit ako sa kanya," matapang pang sinabi ni Jolina.
Kasi naman daw ay hindi siya nakikipagplastikan sa sinuman, kaibigan man o
maging espesyal na lalaki sa kanyang buhay. Kaya't ayaw na ayaw niyang
siya'y pinaglilihiman.
"Kasi nga, magananakaw lang naman ang may itinatagong lihim, 'di ba?" pabiro
pang sabi ni Jolina.
May pagkakataon ba siyang nadidiskubre na may inililhim sa kanya si Marvin?
"Wala pa naman. 'Yon nga ang ikinagusto ko sa kanya. He never denies.
Kahit na 'yung tungkol sa kanyang family, ako ang una niyang sinabihan.
"Lovable talaga si Marvin," pahabol pa ni Jolina na may kasamang ngiti sa
kanyang mga labi.