MARAMING mga heartthrobs sa showbiz. Marami ring cute at guwaping, pero iba pa rin ang dating ng isang PATRICK GARCIA. Bukod sa pagiging hearthrob niya, siya rin ang itinuturing na crush ng bayan.
Ang sikreto ng pagiging heartthrob...
"Ako, heartthrob? Hindi naman....Marami rin namang mga pogi sa showbiz, so, hindi lang siguro ako..." umpisang pahayag ni Patrick Garcia.
"Sa showbiz, marami ring puwedeng tawaging heartthrobs. Kung sinasabi nila na I'm a heartthrob, na ganu'n 'yung dating ko, alangan namang tanggihan ko 'yon.
"What I mean is, that's their opinion, eh. If they thought na I'm like that, thank you, I'll appreciate it. But I believe, marami ring ibang heartthrobs sa showbiz," pahayag pa niya.
Paano nga ba maging isang heartthrob at ano'ng feeling na heartthrob ang dating niya?
"What do you mean na paano maging heartthrob? Kung ano 'yung ginawa ko para ma-maintain 'yung ganu'ng image? 'Yon ba 'yon?
"Actually, ewan ko. I really don't know. Kasi hindi ko naman plinano na maging heartthrob or whatever. As I have said, sila naman 'yung tumatawag sa akin ng ganu'n.
"When I was just starting, hindi rin naman ganu'n 'yung dating ko. Simple lang ako noon. I just want to work...ganu'n lang. I'm not conscious about my itsura, kung pogi ba ako or what.
"Until dumating nga 'yung time na marami nang pumapansin sa akin. They have good descriptions about me. Kung anu-ano 'yong sinasabi nila sa akin.
"And I'm flattered. Nakakatuwa and that also inspires me," sabi pa niya.
Ang Malungkot Na Buhay Ni Mr. Heartthrob...
Halos lahat na yata ng materyal na bagay na puwedeng bilhin at angkinin ng isang ordinaryong nilalang ay taglay na ni Patrick Garcia.
Mula sa magagarang sapatos, mamahaling pabango, magagandang damit, kotse, relos, at kung anu-ano pa ay meron na siya. Ngunit may lamlam at lungkot pa rin ang mata ni Patrick kapag naaalala ang kanyang pamilya.
"Bata pa ako nu'ng maghiwalay ang parents ko. Eleven years old pa lang yata ako no'n. Actually, hindi ko alam what's the reason, I never asked kasi.
"Nag-asawa uli si Daddy, pero hindi naman gaanong kasundo 'yung stepmom ko. Nu'ng bata ako, I refused to talk to her. Ayoko kasi na nakikipagplastikan sa kanya.
"I'm saying naman talaga that my relationship do'n sa stepmom ko is not that okay. Basta hindi na lang kami nagpapansinan," pagkukuwento pa niya.
May mga bagay ba na nami-miss si Patrick ngayong teenager na siya?
"I miss my mom, that's why I'm planning to have my vacation sa States at least for a month para makasama ko siya. S Daddy, tulad nga ng sinabi ko, he has another family, pero ang mommy ko, wala pang ibang family.
"Nami-miss ko rin when we're still together, 'yung family namin 'pag lumalabas kami every Sunday. Magkakasama kaming nagsisimba, nagsa-shopping, kumakain sa labas...
"Marami pa, eh...Ayoko na lang maalala kasi baka maiyak lang ako. But you know, if I still have my family now, siguro I will not be as responsible as I am now.
"Now I can take care of myself. I'm independent. I budget my own money now. I do household works. And I'm glad I'm stronger now," pagtatapos ni Patrick.