DIET........ON CLAUDINE





AS MUCH AS possible, ayaw nang masyadong isinasabit ni DIETHER OCAMPO ang kanyang pangalan kay CLAUDINE BARRETTO. Pero hindi raw talalga ito minsan maiiwasan dahil identified na rin naman sila ng young actress na parating nasasangkot sa controversies.

Minsan nga'y naaakusahan pa siyang nakikisakay kay Claudine para mapag-usapan din. Para kay Diether, hindi raw gano'n ang kaso.

"Hindi ko naman siguro kailangang manggamit ng tao para lang mapag-usapan," banggit nito. "Kung nasasali man ako 'pag napapag-usapan si Claudine, siguro dahil 'yon sa isa nga ako sa mga inila-love-team sa kanya.

"Hindi naman siguro aabot sa point na I have to use her pa. Hindi naman ako gano'ng klaseng tao."

Naalala ni Diether na noong minsan talaga, gusto niyang ligawan ang young actress. Nagdadalawang-isip nga lang siya dahil may mga lumalabas-labas pa rin noong very much on pa ito at saka si MARK ANTHONY FERNANDEZ.

"Naisip ko, parang magulo," ngiti ng simpatikong young aktor. "With Mark around, parang ayokong pumasok sa gulo.

"Napag-isip-isip ko rin, okey na naman kaming magkaibigan. Baka mas lalo lang kaming magkasiraan kung lalagpas pa ro'n ang aming samahan."

Madalas raw niyang kausapin si Claudine tungkol sa mga isyung lumalabas dito. Kagaya ng kamakailan lang ay nabalitang buntis ito.

"Wala lang. Pinagtawanan lang niya," sambit ni Diether. "Sabi niya, hindi naman daw totoo 'yon.

"Sa akin naman, ayoko namang masabihan na nakikialam ako. Kung nagtatanung- tanong man ako, dahil na rin 'yon sa magkatrabaho kami. Kumbaga, apektado rin 'yung trabaho namin 'pag may mga nagsisilabasan tungkol sa kanya."

TUNGKOL naman sa pagiging lasinggera raw ni Claudine, napagsasabihan niya raw ito paminsan-minsan.

"Ngumiti lang siya," nasabi ni Diether. "Kaso ako naman, ako 'yung taong walang bisyo. Hindi ako naninigaliryo at konti lang kung uminom ako.

"So siyempre, sinasabihan ko siyang babae siya at parang hindi naman yata maganda 'yung gano'n sa isang babae. Nakikinig naman siya. Natatawa lang, tapos, 'O sige na nga, Kuya."

Hindi itinanggi ni Deither na 'yung ibang mga kasabayan niya sa Star Circle ay napapansin na ang acting samantalang siya'y marami pa raw dapat patunayan. Pero with perseverance and hardwork, tiyak naman daw niyang mararaating 'yon.

"Kanya-kanya naman sigurong time 'yan, eh," banggit nito. "Like 'yung may mga naa-acknowledge na gaya nina MARVIN AGUSTIN at PATRICK GARCIA.

"Sa akin naman, konting push pa siguro. It will come eventually. Mahirap namang madaliin dahil pana-panahon din naman yan, eh.

"Kung sakaling napapansin na nila ako this early, 'yung ma-nominate lang is an honor na for me. Malaking bagay na 'yon sa pagiging artista ko.

"Pero ngayong may mga nauna na sa akin, proud ako sa kanila at wala naman sigurong rason para ma-insecure ako. Sabi ko nga, konting push pa at kanya-kanyang panahon lang 'yan."

Katatapos lang pala ni Diether ng kanyang pelikula with Claudine, ang Dahil Mahal na Mahal Kita. Pagkatapos nitong maipalabas, he's hoping na magtutuluy-tuloy na ang mga movie projects niya.

"Sana nga matuloy na rin 'yung seryosong pelikula ko with Direk JOEY REYES," hiling ng young actor. "Kasali rin ako sa GIMIK! The Movie."

Wala ba siyang planong magpa-sexy o magpa-mature ng image? Tipo kasing mas mapapansin siya sa gano'n kaysa sa nagpaap-tweetums.

"Hindi pa ako handa, eh," sagot ni Diether. "Sa TV, madaling maglaro ng mature roles, pero sa pelikula, parang mahirap.

"Kasi halimbawa nagpa-sexy ako o nagpaka-daring, palagay ko ba mapapanindigan ko na 'yon? Once kasi na nasimulan ko ang gumawa ng gano'n, mag-i-expect na ang mga tao, eh.

Pero sakali naman daw at pumayag siyang magpa-sexy, gusto niya ay 'yung hindi bastusin ang dating.

"Parang sina RICHARD GOMEZ at JOMARI YLLANA," pagtatapos pa nito. "Pero 'pag naggano'n siguro ako, tiyak na hindi ko na mababalikan ang mga ginagawa ko ngayon. Palagay n'yo ba, handa na ako ro'n?"




[ B A C K ]
1