PAULA.........TO QUIT SHOWBIZ???





ONE of our teen actresses ngayon na masasabing nagtataglay ng pretty face ay si PAULA PERALEJO, bukod doon, may ibubuga pa rin siya sa bawat aspeto ng pagkanta, pagsayaw, at pag-arte.

Kung tutuusin, ito ang mga formula na hinahanap sa isang artista. Pero ano't naroon na raw ang resignation sa kanya kaya pumapasok na rin sa isipan niya ang pagku-quit sa showbiz at this early?

"Kasi noong una, parang naiisip ko 'yun. Pero ngayon, hindi naman ako magku-quit. Dapat kasi, magbabakasyon ako ng buong buwan ng May, 'yun wala muna akong showbiz commitment, kaya lang, mayroong dumating na bagong movie, so, nakakahinayang naman.

"At saka, showing pa nga itong Nagbibinata, so, kailangan ko ring mag-promote-promote," say nga niya.

So, ano na ang plans niya ngayon?

"Sa ngayon, tatapusin ko muna 'yung movie at saka 'yung promo ng movie namin sa Nagbibinata. Magbabakasyon pa rin ako, kaya lang, gusto ko sana noong May para 'yung mga kaibigan ko, nagba-bakasyon din sila, at least, may makakasama ako. Doon ko malalaman kung mami-miss ko pa rin ba ang mga ginagawa ko sa showbiz."

Ang aga yata niyang nabo-bored?

"Hindi naman...kasi kapag sa set, minsan naiinip ako kaagad. Parang gusto ko, matapos na. Siguro lang din naiinis lang ako na malalaman ko 'yung mga kaibigan ko nakakaalis, nagagawa nila 'yung mga gusto nilang gawin just because wala sila sa showbiz."

Hindi ba siya nanghihinayang sa kahit papaano'y narating na rin naman niya sa mundong ito?

"Siyempre, nanghihinayang din ako. Siyempre, kapag talagang umalis na ako, mahihirapan na akong bumalik. Mahirap na rin, hindi na ganoon kadaling bumalik at saka, parang magsisimula na naman ako sa umpisa," aniya pa.

Parang hindi siya ganood ka-conscious sa thought na sumikat?

"Okey lang talaga sa akin...normal lang. Ako naman aksi, ayoko naman ng tipong mala-JUDY ANN SANTOS na parang walang-wala na talagang privacy," walang gatul pa rin niyang tugon.

"palagi ko ngang sinasabi na noong pumasok talaga ako ng showbiz, it's for fun lang talaga. Parang noong nasa Ang TV pa ako, hanggang ngayon lang din ang feeling ko. Siguro kapag nangyari na lahat na halos ng pumasok, naungusan na ako, baka, ayoko na ng ganoon. Pero so far naman, okey lang dahil marami pa rin namang dumarating na projects."

After her team-up with KRISTOPHER "Tupe" PERALTA in Nagbibinata, may follow-up movie na naman silang dalawa kunsaan, kasama sina BABALU at REDFORD WHITE. Mukhang isa sa pinu-push nang husto ng Dos at Star Cinema ang loveteam nila?

"Oo...kasi, sa ngayon naman, wala na akong ibang nakaka-loveteam kung hindi si Tupe lang talaga."

Kaso parang hindi pa raw makitaan ng sweetness ang team-up nilang dalawa?

"Siguro kasi, hindi pa naman talaga kami ganoon ka-sobrang close ni Tupe. Kaya kahit papa'no, nagkakailangan pa rin kaming dalawa. Iba kasi ang barkada ko noon sa Ang TV, pero, kami ni Tupe, okey lang naman kaming dalawa ngayon.

"Ngayon nga, kapag may mga show ako, hinahanap na nila sa akin si Tupe."

O, baka naman daw kaya hindi sila maging sweets dahil in real life, hayan at nali-link naman si Tupe kay TANYA GARCIA, anong say niya ro'n?

"Well, hindi ko alam, kasi, unang-una naman, loveteam lang kaming dalawa ni Tupe on screen. So kung anuman ang personal, wala na ako roon," walang gatol pa niyang tugon.

Sa tingin niya ba, possible na ma-fall siya sa tulad ni Tupe, if-ever?

"Nothing is impossible naman, eh. Siyempre, sa ngayon hindi ko masasagot 'yan, malalaman mo na lamang kapag palagi talaga kayong magkakasama at okey naman kayo sa isa't isa."

Na in-love na ba siya?

"Crush, oo! Pero 'yung in-love, hindi pa! Ako kasi, ayokong pinapahalata kapag nagkaka-crush ako. Kung anong treatment ko sa ibang guy na hindi ko crush. I always make it a point na ganoon din sa crush ko."




[ B A C K ]
1