KUMUSTA na nga ba si RICO YAN ngayon matapos ang matagal-tagal na hindi siya
nakakatsikahan at nakikita.
"Well, I'm still alive and kicking," nakangiting sambit pa niya. Kahit
papano naman, eh, marami pa rin akong trabaho rito sa showbiz. Kaya okey
lang. Mabuti na 'yung marami kang trabaho kesa sa wala," aniya pa.
Totoo bang nagkaayos na sila ni WOWIE DE GUZMAN mula no'ng umingay ang
intrigang nagkaroon sila ng gap nang dahil kay JUDY ANN SANTOS?
"Wala akong matandaan na nagkaroon kami ng gap ni Wowie," pagde-deny niya.
"Sila lang naman ang gunagawa ng intrignag gano'n. Kami ni Wowie, wala
namang problema. Pareho naman kaming malapit kay Juday. Nagtataka lang ako
kung bakit lagi nilang sinasabi na may gap kami. Walang-wala talaga," aniya
pa.
Hindi mapapasubalian na may ibubuga talaga si Rico. Pero hindi ba siya
sinagian ng inggit kina PATRICK GARCIA at MARVIN AGUSTIN na kapanabayan niya
sa Star Circle?
"Actually, ako na yata ang taong hindi marunong mainggit," depensa agad ni
Rico. "Wala sa vocabulary ko 'yung gano'n. Hindi magandang attitude 'yon.
Natutuwa pa nga ako kina Marvin at Patrick sa pagkapanalo nila ng acting
award.
"Suwerte talaga nila 'yon. Magagaling naman sina Patrick at Marvin sa mga
pelikulang ginawa nila. Kaya napansin 'yung ipinakita nilang akting, 'di
ba?" rason niya.
Maging sa popularidad ay medyo nabawasan daw itong si Rico kumpara sa dalawa
na mas mabiling-mabili raw sa TV at Star Cinema.
"Well, hindi naman talaga laging ikaw ang nasa itaas. Aware ako ro'n. Kasi
nga lahat naman tayo ay gustong magkapangalan at sumikat. Lalo na rito sa
showbiz.
"Kahit sino naman, eh, hindi nakakasiguro kung hanggang saan talaga ang
kasikatan niya rito sa showbiz, 'di ba?
"If ever na 'yun ang oipinio nila tungkol sa 'kin. Okey lang, nirerespeto ko
'yon. Kahit papa'no ay may pumapansin pa rin sa 'kin. Hindi ako dapat
mag-worry sa sinasabi ng iba," sey pa rin ni Rico.
BUKOD do'n ay ang paniniwala rin ng Star Cinema sa kakayahan niya bilang
aktor kung kaya isinama siya sa pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita
with DIETHER OCAMPO at CLAUDINE BARRETTO.
Mas lumutang daw ang husay ni Rico kesa kay Diether sa nasabing obra kahit na
may balita noong mas pinaboran daw ng direktor nila sa pelikulang nabanggit
itong huli dahil mas mababa nga ang exposure ni Diether kesa kay Rico?
"Hindi naman," mabilis na despensa ng guwapong aktor. "Walang comparison sa
ipinakita naming performance ni Diether sa movie namin ni Claudine.
"We're just doing our job. Kung ano 'yung kailangan naming iarte sa harap ng
kamera ay 'yon lang ang ginawa namin.
"Ang moviegoers na lang siguro ang mas magandang mag-judge sa ginawa namin ni
Diether sa movie, 'di ba? Pangit naman kasi 'yung mag-comment pa 'ko.
Ayoko naman 'yung lumalabas na ano...binubuhat ko 'yung sarili kong silya.
"Pareho naman naming nabigyan ng justice ang role sa Dahil Mahal na Mahal
Kita," karagdagang tsika pa ni Rico.
"Wala ring sapawan sa 'min ni Diether at Claudine. Tamangtama lang and I'm
sure na magugustuhan nila 'yung latest movie maming 'yon, kaya abangan na
lang nila," dugtong pa rin ni Rico.
Taliwas din sa mga isyung pinababayaan na siya ng TV Network na nag-aalaga sa
kanila. Isa si Rico sa napili ng Maalaala mo Kaya na nagkaroon ng
special episode sa nasabing drama show kaugnay sa pagseselebra ng programa ng
ikalawang taong pamamayagpag sa ere.
"Nagpapasalamat nga ako sa kanila dahil nando'n pa rin 'yung paniniwala nila
sa kakayahan ko as an actor," masayang pahayag pa niya.
"Bast sa 'kin, hangga't nando'n 'yung kanilang trust at hindi nila ako
pinapabayaan, eh, magi-stick ako sa kanila," katuwiran pa rin niya.
"And it's an honor for me na isa ako sa napili nila na i-feature sa
Maalaala.... Nakaktuwa and I'm very proud to say na hindi talaga nila
ako pinababayaan," pagtatapos pa ni Rico.