KAGIGISING pa lamang ni Marvin nang daanan siya ng isang panayam sa kanilang
bahay sa may San Antonio Heights, Fairview. Nagmamadali na namang
naghahanda ang young actor para sa kanyang taping sa Onli In Da
Pilipins. To think na kabababa lamang nito galing sa Baguio para sa
syuting ng kanilang launching movie ni JOLINA MAGDANGAL, ang Okey Ka Lang?
Hindi kaya bumigay ang katawan ng young actor sa halos walang pahinga nitong
pagtatrabaho?
"Yon na nga ang iniisip ko, eh. 'Yong one day bigla na lang akong
mag-collapse sa set," aminadong sagot pa ni Marvin.
"Kaya lang, doble-dobleng ingat din siyempre ang ginagawa ko. Kapag hindi
ako nakasalang at matagal-tagal pa ang susunod kong eksena, I see to it na
nagpapahinga ako. Kung makanakaw ako ng tulog, laking pasalamat ko.
"Sa tulong din ng vitamins at mga energy drink, it keeps me alive 'pag
sumisigaw na ng action ang direktor.
Naniniwala rin kasi si Marvin na opportunity knocks only once. Sa ngayo'y hot
na hot si Marvin at hindi maipagkakailang nakakungos na ito sa ilan nitong
ka-batch sa Star Circle.
"Minsan kasi, iniisip ko na rin na ito na yata 'yong pini-pray ko before. So
when the breaks started coming in, sinasamantala ko na.
"Others say, sinasagad ko na raw ang katawan ko. Wala na raw sa bokabularyo
ko ang pahinga. Naisip ko rin 'yon. Kaya lang, sabi nga ng ibang taong
malalapit sa akin, strike while the iron is hot!
"Di ba? It's true naman dahil with the competition I've been ecountering
rihgt now, suwerte-suwertehan lamang itong pagkakataon 'to," katuwiran pa ni
Marvin sa amin.
Makina man daw ay nagbo-bog down kapag hindi pinapahinga. Hihintayin pa ba
ni Marvin na siya'y maratay sa ospital dahil sa sobrang trabaho?
"But in my case, hindi ko naiisip 'yon. Kasi, I love what I'm doing,"
nakangiting pahayag pa ni Marvin.
"Yung iba kasi...kaya naman sila nage-expire ay sa dahilang pressured sila.
Alam mo ba 'yong nagtatrabaho ka tapos napi-pressured ka pa?" balik-tanong pa
ni Marvin.
"So, hindi lang katawan mo ang gumkagana kundi kasama na rin pati na 'yung
utak mo. In which, 'yon ang mahirap. Lahat ng senses mo napapagod.
"Yong sa akin naman, para lang kaming naglalaro sa set. It's not that I'm
saying na hindi kami seryoso sa ginagawa namin. It's just that we love the
roles we're playing. Mga eksenang hindi malayo sa reality, kaya't walang
masyadong pressures.
"Siguro, isa ko na ring pasasalamat ay sa dahilang mababait lahat ang mga
huma-handle na direktor sa akin, sa amin ni Jolina. We are free to suggest
at sila rin ay nagbibigay ng pointers para ma-improve mo 'yong gagawin mo."
Sabi pa ni Marvin, malaking advantage daw ang pagiging occupied niya sa
trabaho. Nababawasan ang kanyang night life at nakakaiwas siya sa mga
"tukso", na ayon pa sa iba'y nakakasira ng diskarte sa buhay at carer. Na
tulad daw ng iba na pawang ang inaatupag ay pambabae kaya't nawawala rin sa
sirkulasyon at kadalasang nasasangkot sa mga gulu-gulo at away-away.
"Tama na 'yong si Jolina lang ang apple of the eye ko, 'di ba?" sangguni pa
nito.
"Heaven" nga raw ang kanyang feeling nu'ng sila'y nagsu-shoot sa Baguio dahil
napaka-romantic ng lugar sa kanilang dalawa ni Jolina. 'Yong dinner for two,
na kalimitan niyang naipapangako dati kay Jolina ay doon na niya
naisakatuparan.
"Pag nasa Baguio kasi, concentrated lang kayo roon. After shooting o pagka-
pack-up, it's either mamahinga ka na sa hotel mo or mamamasyal pa kayo. So,
the best that I can offer Jolina ay kumain kami sa labas. Doon we have so
much time para sa isa't isa.
"Wala nang hahanapin pa ro'n, except that nami-miss mo rin siyempre 'yong
malalaking malls at old time frieds."
Tungkol sa mga intriga naman, lately ay nasi-sense ni Marvin na sila'y
pinag-aaway ng isa pa ring Star Circle talent na si DIETHER OCAMPO.
Pakisagot daw ang statement na binitawan ni Diet na hindi raw siya ang
ka-level ng young actor kundi si RICO YAN?
"Well, hindi ko puwedeng salungatin ang opinyon ng bawat tao. Kung 'yon ang
sinabi niya, he has the reasons to say so."
Aminado naman daw si Marvin na mga matured role na ang kay Diether,
samantalang ang sa kanila ni Jolina'y mga pa-goody-goody pa ang tinatahak
dahil daw 'yon ang gusto ng kanilang mga tagahangang makita.
"Maybe because identified kami as loveteam, kaya't nahihirapan kaming
tumalikod sa mga ganu'ng klaseng roles," katuwiran pa ni Marvin.
Kaya lang, may balak din ang kanilang home studio na sila'y unti-unting
paghuwalayin as loveteam para naman grumadweyt din sila pareho sa mas may
makabuluhang roles.
"After Okey Ka Lang? doon lang namin malalaman kung bibigyan na kami
ng isang mabigat na assignment," makabuluhang pagtatapos pa ni Marvin.