SA hanay ng mga young actors sa ngayon, hindi maitatangi na gumagawa na nga
ng sarili niyang pangalan si DIETHER OCAMPO. Matapos na maipalabas ang
episode niya sa Maalaala Mo Kaya?, marami ang nagsabi na kahit
papaano, nagkaroon na rin ng improvement when it comes to his acting.
He played a guy na nagkaroon ng relasyon sa isang bading?
"That was a very surprising role, 'yung sa Maalaala Mo Kaya. Noong
i-offer sa akin 'yun at nalaman ko nga kung ano ang klase ng role, parang
sabi ko, kaya ko ba 'to?
"Pero noong malaman ko naman kung sino ba ang magdi-direk sa akin at
makakasama ko, sabi ko, okey lang. Well, natutuwa naman ako kung kahit
papaano, may nakapansin na nagkaroon ng improvement when it comes to my
acting sa episode na 'yun, pero, ako, naniniwala ako na kulang pa rin,"
buong ningning pa niyang tugon.
Kapag si Diether Ocampo na ang kausap, hindi yata maaaring hindi mo man lang
maalalang banggitin si MARVIN AGUSTIN. Lalo pa nga't naiintriga na naman
siya lately, si Marvin kasi, halos sunud-sunod na nakakakuha ng mga acting
awards.
Naroon ang comparison na kung bakit siya ay wala pa rin 'yung ganoong
rekognisyon?
"It will come...Kasi, mahirap naman madaliin ang ganyang bagay. For sure
naman, kung talagang mabibigyan ng suwerte, siguro, kahit nomination,
magiging masayang-masaya na ako, being nominated is enough.
"Ang kailangan ko lang talaga is super right timing and super right project,"
aniya pa.
Speaking of project, ano nga ba ang mga plano sa kanya?
"May mga offer naman ang Star Cinema. So far, marami naman silang ino-offer,
pero, siyempre, kailangan pa rin namang pag-isipan at saka pag-ingatan kung
tatanggapin ko ba talaga 'yung mga offers.
"Mahirap din naman kasi kapag ginagawa mo na pala, then, hindi mo naman pala
kayang panindigan," say pa rin ng star ng Dahil Mahal na Mahal Kita.
Ang nangyari raw tuloy, in terms of movies, talagang lamang na lamang sa
kanya si Marvin?
"Well, aminado naman talaga ako na in terms of movie exposures, mas marami
siyang talaga. Mas marami siyang nagagawang pelikula kaysa sa akin. Kaya
bilib naman ako sa kanya dahil halos hindi siya nakakabakante pagdating sa
pelikula."
Pero sa isang write-up, naka-quote siya roon na kumpara kay MARVIN daw, mas
kinokonsider niya si RICO YAN na siyang ka-level niya, ano'ng masasabi niya
roon?
"That's not true! Wala akong ganoong sinasabi. Never kong sinabi na hindi
ko ka-level si Marvin at si Rico ang siyang ka-level ko. Kung ako nga ang
tatanungin talaga, ayoko nga ng mayroong level-level or competition.
"For me, mas kinikonsider ko ang sarili ko na talagang kakumpitensiya ko,"
walang-gatol nga niyang tugon.
In a way pala, naiisip na rin ni Diether ngayon 'yung magkakaroon ng pangalan
sa pamamagitan ng pagso-solo at hindi lamang bilang mayroong ka-loveteam?
"Ako talaga, sinasabi ko sa kanila na kung bibigyan nila ako ng chance, mas
gusto ko rin na maging solo na lang ako.
"Mas okey dahil mas magiging flexible ka na mai-partner kahit na kanino."
Kaya ba niya nasasabi 'yun dahil sa pagne-nega ng dating ni CLAUDINE BARRETTO
ngayon na siyang ka-loveteam?
"Hindi...even Claudine, alam naman niya na kung siya rin ay may chance, ayaw
niya rin naman na ma-identify masyado sa isang ka-loveteam," tugon ni Diet na
hudyat na tapos na ang panayam sa kanya.