NABANTILAWANG PATRICK - TANYA





KALIWA'T kanan na ngayon ang nasusulat na panliligaw umano ng young actor na sa PATRICK GARCIA sa isa sa mga miyembro ng Star Circle Batch 5 na si TANYA GARCIA.

Pero habang tumatagal, mukhang lumalabo ang inaasahan ng lahat na magiging kasintahan ni Patrick si Tanya. Dahil may iba na naman daw target ang isa sa mga bida ng Nagbibinata.

Ano ang reklamo ng bagets tungkol dito?

"Well, medyo left and right ang commitments natin ngayon, 'di ba? Wala talagang oras na manligaw, eh," paunang paliwanag pa ni Patrick.

"And sa tingin ko, eh, gano'n din naman si Tanya. Priority rin niya ang studies at 'yung career niya. Kaya 'yun, nasasabi nilang medyo lumalabo ang lahat sa aming dalawa, " dagdag paliwanag pa niya.

Tipong nakikita na raw sana ng Talent Center ang nababagay na ka-loveteam para sa isang Patrick Garcia. Bagay na bagay raw kasi ang dalawa hindi lang reel kundi pari reel.

Bakit medyo tinabangan yata ang binata sa dalaga?

"Hindi ko naman sinasabing ayoko na sa kanya. As I have said sa inyo before, eh, hindi naman siguro porke crush mo, eh, liligawan mo na agad. Kailangan kasi talagang malaman mo kung magkakasundo kayo.

"Kumbaga, hindi naman porke may gusto ka na sa isang girl, eh, masasabi mo nang liligawan mo na agad siya at bagay na bagay kayo as mag-sweethearts, 'di ba?

"And with regards to Tanya, eh, hanggang doon lang naman talaga ang masasabi ko. Crush ko talaga siya pero wala pa talaga sa balak kong ligawan siya," sambit pa rin ng magaling na batang aktor.

Tumatawag pa rin ba siya ngayon kay Tanya?

"Eh, hindi na, eh," prangkang sagot pa niya.

"Marami kasing commitments. Walang time talaga," matipid pa niyang kasagutan.

SINASABI noon ni Patrick na kaya ayaw pa niya noong ligawan si Tanya dahil pinag-aaralan pa raw niya ito nang husto. Kumbaga, hinahanapan pa raw niya ng pagkakataon.

May nakita ba siyang dahilan kung bakit ayaw na niyang ituloy ang panliligaw sa dalaga?

"Wala naman, eh," sagot niya.

"As I have said, eh, hindi naman talaga dapat na madaliin ang lahat. I'm only 17 and siguro naman marami pang pagbabago na mangyayari sa akin.

"Still, I'm not a kid anymore, and I know already my priorities in life. And hindi na ako kagaya ng dati na walang plano. Sabi ko nga, eh, matanda na tayo at binata na talaga, kaya iba na talaga ang isang Patrick Garcia ngayon kumpara noon," sabi pa ri ng binata sa amin.

Dapat sana talaga ay si Tanya na ang kukunin bilang kanyang ka-loveteam pero dahil sa nangyari ay naghahanap naman daw ngayon ng bagong ila-loveteam kay Patrick.

And this time, pati na ang mommy niya ay nakitulong na rin sa paghahanap ng bago niyang makakapareha.

"Sa akin, eh, okey lang naman kung wala talagang ka-loveteam. Kumbaga, marami rin namang sumisikat diyan na walang inaasahang kapareha, 'di ba?

"At sa tingin ko pa nga, eh, mas maganda pa 'yung solo ka, eh, at least anumang mangyayari, eh, wala kang dapat na sisihin at wala ka ring dapat ipagtanaw na utang na loob, 'di ba? "

Ano naman ang sariling plano ni Patrick sa ngayon?

"Well, marami. 'Yan naman kasi ang hindi mawawala sa akin, eh, inaasa ko na lang lahat 'yan sa mga taong nag-aasikaso ng career ko," huling sambit na lang ng nag-iisang si Patrick Garcia.




[ B A C K ]
1