NAKIKISAKAY ANG MGA BOLDSTARS KAY DIET





Isa si DIETHER OCAMPO sa mga young actor natin sa ngayon na may malakas na karisma sa mga bold stars.

"Ano naman ang masama sa humanga?" umpisang balik tanong pa ni Diet.

"Flattering naman on my part kung malalaman mong may mga nagkaka-crush sa inyong mga sexy stars, and I don't see aything wrong about that," dugtong pa rin ng young actor.

Pero sa showbiz ay isang katotohanan na uso talaga ang gamitan. Hindi kaya napi-feel ni Diether na 'yung mga baguhang sexy stars na gusto lang magkaroon ng publicity?

"Well, I don't think so. This is a free country and we are free to express whatever we feel sa isang tao. Like on my part, kung sasabihin kong crush ko si ganyang sexy star, eh, wala naman sigurong masama, 'di ba?

"At hindi naman siguro dapat na pagbintangan akong nakikisakay sa kanila," sunud-sunod pang balik taong ng isa sa pambatong young actor sa kasalukuyan.

At para kay Diet ay hindi naman siya against sa mga ginagawa ngayon ng mga sexy stars.

"Not all of them naman ay may kabastusang ginagawa, 'di ba? I mean, kahit na ganyan sila, eh, karespe-respeto pa rin nama ang pag-uugali nila.

"Kumbaga, ang paghuhubad nila, eh, trabaho lang talaga at hindi sa kung anupaman," seryoso at malamang sambit pa rin ng young actor.

SINA ROSANNA ROCES, KLAUDIA KORONEL, JESSA ZARAGOSA ang ilan sa mga sexy stars na masasabi ni Diether na hinahangaan niya.

"Si Jessa, nag-start 'yan sa drama. Kumbaga, noon pa man ay may lalim na talaga ang pag-arte niya na masasabi kong puhunan talaga niya at hindi 'yung pagpapaseksi talaga.

"Kaya kahit nagpapaseksi sila sa mga pelikula nila, eh, never naman talagang tatangkaing bastusin sila ng mga tao dahil karespe-respeto pa rin naman sila, 'di ba?" say pa rin ng binata.

Masasabi ba ni Diet na magaganda ang mga bagong tuklas nating boldstars?

"Well, hindi naman siguro naging artista ang mga 'yan kung hindi. I mean, imposible namang sugalan sila ng producers kung hindi maganda ang mga iyon, 'di ba?

"Ako talaga, eh, wala namang maipipintas sa kanila," pahayag pa rin ng sikat na teen actor.

Malaki rin kaya ang posibilidad na ma-in love ang isang Diether Ocampo sa isang hubadera sa pelikula?

"Well, siguro, eh, walang ipinagkaiba 'yan, eh. Kumbaga, nasa showbiz pa rin ang mga iyan," prangkang sagot pa rin sa amin ng actor.

"Kilala n'yo naman ako. As much as possible, eh, I don't want to be involve with anyone na nasa showbiz. Siguro mga non-showbiz na lang muna.

"Kasi sa showbiz, parang lagi kang pinuputakte ng mga press. Kumbaga, kayo na lang lagi ang pinag-uusapan. So, ang hirap talaga.

"It is hard kasi sa amin mga lalaking nasa showbiz to tell do'n sa mga taong nasa showbiz din. Siyempre, kasi unang maaapektuhan diyan, eh, 'yung trabaho, 'di ba?" pagtatapos pa ni Mr. Diether Ocampo.




[ B A C K ]
1