SINA CLAUDINE AT DIETHER NA ANG IPU-PUSH! PANO NAMAN SI CORICS?





UMIINIT na naman ang competition between RICO YAN and DIETHER OCAMPO. Unang-una na rin, nando'n ang intrigang papatayin na raw ang loveteam nina Rico at CLAUDINE BARRETTO in favor of Diether. Kaya kung mapapansin pa raw, nababawasan na rin ang exposure ni Rico sa pinagsasamahan nilang telenovela over ABS-CBN, ang Mula Sa Puso na tipong sina Claudine at Diether pa rin ang lalabas na mga bida.

"Okey lang.

"Kahit siguro mapunta na si Claudine kay Diether, okey lang. Walang magiging problema sa akin. Hindi ako maba-bother.

"Okey lang, kasi di ba, tutal pareho lang naman kaming talents ng ABS-CBN kaya ang decision-making, nanggagaling din lang sa kanila, sa management.

"Kung sino ang mas maraming bigyan ng exposures, kung sino ang hindi. We're not in competition here, eh. We're in...wala, magkapatid kami sa isang network, 'di ba? Iisang pamilya lang kami. Na we belong to one network.

"Tulunga lang, 'di ba?

"Sa ABS, kung sino ang...whoever tehy feel na kailangang i-push, ipu-push nila. 'Yung mga hindi kailangan, huwang muna. Para pantay-pantay, 'di ba?"

PUMAPASOK din nga ang isyung may cold war daw sa pagitan nina Rico at Claudine?

"Wala! Anong cold war! Wala! Hindi totoo 'yon!"

Nagsimula nga raw kasi ang lahat ng minsang puinaboran niya si JUDY ANN SANTOS over Claudine?

Na tipong na-offend daw si Ms. Barretto? Na mas pinili niya si Judai over Claudine?

"Okey kaming dalawa ni Claudine. Wala kaming cold war. Okey kami. Whenever we see each other, wala. Okey kami. Walang kaproble-problema sa amin.

"Nu'ng tinanong kasi ako, then sinagot ko na lang, kumbaga, naging prangka lang ako. Hindi rin naman sa naging vocal ako, sinagot ko lang 'yung tanong.

"And not to offend anybody or Caludine, 'di ba?

"Kung nasabi ko namang mas close ako kay Judy Ann, hindi naman ibig sabihin, eh, hindi ko na kaibigan si Caludine. Close pa rin kami.

Pareho lang akong close sa kanila.

"Lile I said, natanong lang ako kung sino ang mas malapit sa akin, and entitled lang naman siguro ako sa sarili kong opinyon. It doesn't mean na we're not friends anymore. I'm just saying what I feel, 'di ba?

"What's in my mind...what's in my heart, 'yon.

"And sana naman, huwang nang gawan pa ng malaking isyu 'yon. Sa nangyayari kasi, do'n sa iba, they're making issue out of nothing. And it's really no big deal.

"Kaya huwag na sanang palakihin pa," pakiusap na pagtatapos pa rin ng super-matinee idol.




[ B A C K ]
1