NOW it can be said after her movie Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-Ibig
made a killing at the box office that JUDY ANN SANTOS is back on her
rightful throne.
With Esperanza still rating very well, a recent box office hit to her
credit and a big movie in the works ay masasabi ngang Judy Ann is the
greatest star of the hour. Malayo na nga ang narating ni Ula, Ang Batang
Gubat. Tanggap na tanggap na siya ng sambayanang Pilipino.
If the 70's belongs to NORA AUNOR, the 90's definitely belongs to Judy Ann.
If Nora has the golden voice, Judy Ann has the golden tears. So, ano pa ang
inyong ginagawa, sabay-sabay nating alamin ang mga itinuturing na greatest
aspects sa buhay ni Judy Ann.
GREATEST ASSET
"I believe na mata ko ang puhunan ko sa showbiz. Sabi nila my eyes are so
expressive. Sa totoo lang, this is my biggest investment dahil dito
nanggagaling ang luha ko. Hindi ako puwedeng maubusan ng luha dahil
mawawalan ako ng pagkakakitaan.
"Aside from that, feeling ko one of my charms come from my hair. Gusto ng mga
tao na laging mahaba ang buhok ko. Malamang ito ang nakita ng
Palmolove kaya ginawa nila akong image model ng kanilang shampoo."
GREATEST ADMIRATION
"RICO YAN. Ang nakakatuwa kay Rico is that he always finds time to
communicate with me. Eventhough wala kaming TV shows, or movie together,
'pag nagkita kami, as if yesterday lang kami huling nagkita. Alam ko na with
him I will have no dull moment. Nakakabilib nga siya na kahit ano'ng busy
pa niya, eh, he can still find the time for his family. Kahit anong
mangyari, may isang araw talaga na laan para sa family niya."
GREATEST SCREEN PARTNER
"WOWIE DE GUZMAN. Although okey naman kami ni Wowie kung iba ang kapareha
pero mas gusto talaga nng tao 'pag kami ang magka-loveteam. I must admit na
ang mga biggest hits ko ay 'yung magkasama kami. maybe because nakaka-relate
'yung tao sa amin. We look just like anybody on the street na kaya ang
pakiramdam ng tao, totoong-totoo kami kaya siguro kami ang nagki-click.
GREATEST ACHIEVEMENT
"I would say 'yung nakabili ako ng condo unit at Roadtrek ang maituturing
kong achievements ko. I mean nineteen pa lang ako noon nang magpundar ako ng
gamit. Hindi naman kasi laging maraming pera ka kaya mabuti na 'yung kahit
papaano ay may nabibili akong property."
GREATEST AMBITION
"Sa ngayon, malabo pa akong makabalik sa pag-aaral. But in due time ay balak
kong mag-aral ng interior designing sa PSID. Iba na rin kasi ang may
natapos. Isa pa, mahilig talaga akong mag-aayos although hindi ako magaling.
Kaya nga gusto kong mag-aral para matutuo ako kaagad. Pasasaan ba't
makapag-aaral din ako."
GREATEST PRINCIPLE
"Face the consequences of your actions. Lalo pa tayong mga teenager, minsan
nagpapadala tayo sa peer pressure. Dapat tanggapin natin ang consequences
ng ating behaviour. Hindi naman nating puwedeng sabihin na pinilit lang
tayo. Kailangang may sarili tayong paninindigan. Ke tama ka o mali ang
naging diskarte mo, stand by it. Kung tumama ka, salamat. 'Pag mali,
mag-suffer ka, ginusto mo naman 'yun. eh."
GREATEST POSSESSION
"Nothing can ever replace my family. Kahit anong paninira pa ang gawin nila,
pamilya ko pa rin ito. I love my mom and my brother so much. Sila lang
ang masasabi kong hanggang dulo, eh, sa akin. Dumating kami because of the
intrigues, but now we have learned how to handle it. 'Yung mga tao sa
paligid mo nand'yan lang yang mga 'yan habang sikat ka. 'Pag wala ka na,
wala na rin sila."
GREATEST PROBLEM
"Yung wayan nina Mommy at Tito ALFIE. Pakiramdam ko noon naiipit ako sa
nang-uumpugan bato. They may not have patched things up formally pero, at
least medyo maayos na ngayon. Wala nang gulo."
GREATEST FEAR
"Malaos ako nang hindi pa ako handa. Alam ko naman na hindi habang buhay ay
maganda ang response sa akin ng mga tao. Ang sa akin lang, sana kung puwede,
dumating 'yun sa panahong wala na akong mga obligasyon. Tapos na lahat ng
bayarin ko. Nakakatakot kasi 'pag nangyari 'yun. Pero bahala na si Lord
sa akin. Siya naman ang mas higit na nakakaalam kung anong mga dapat na
mangyari sa buhay ko. Ipinauubaya ko na lang sa Kaya ang lahat."
GREATEST LIE
"Yung sabihing lagi akong masaya kahit hindi. Madalas kasi, tinatanong ako
ng mga tao kung okay lang daw ako. Sasabihin ko naman s'yempre, masaya ako.
Kailangang ipakita ko sa lahat na hindi ako affected pero ang totoo,
nasasakta ako. I guess 'yun ang mahirap sa showbiz, you always have to have
a happy front. 'Pag nagmumukmok ka, lahat ng tao kukulitin ka kung ano ang
nangyayari sa 'yo. At times it's fine, but there are times na gusto mo lang
mapag-isa to think things over."