MAHIRAP daw paiyakin si JOLINA MAGDANGAL kasi she's a very happy person na
produkto ng isang masayang pamilya.
Sa harap lang daw ng kamera siya nakakaiyak. Pero kapag kasama na niya ang
kanyang mga kaibigan, tawa lang siya nang tawa. 'Pag kasama naman niya ang
kanyang pamilya, wala rin siyang iniitinding problema.
Pero merong sampung bagay na posibleng makapagpaiyak kay Jolina. Eto 'yon:
1. Street Children at Bahay Ampunan
"Madali akong ma-touch 'pag nakakakita ako ng mga pulubing bata sa daan.
Naiiyak ako at naawa sa kanila. Naiisip ko na ang suwerte-suwerte ko, tapos
sila, nasa kalsada at nagpapalimos.
"Gusto ko silang tulungan, pero hindi naman pupuwede kasi hindi naman ako
mayaman. Nu'ng minsang nagpunta ako sa isang orphanage, muntik na akong
mapaiyak.
"Guato ko silang ampunin lahat, kaya lang, wala pa naman akong orphanage
house na puwedeng paglagyan sa kanila at saka baka hini ko pa kayanin.
"In my own little way, natutulungan ko rin naman sila, eh. Nagbibigay ako ng
donation sa mga orphanage house."
2. Matatanda Sa Home For The Aged
"Katulad ng mga bata, naawa rin ako sa mga lolo at lola na wala nang
nag-aasikaso. Mababaw ang luha ko sa mga ganu'n. Ayokong nakakakita ng
matatanda na umiiyak kasi naiiyak din ako."
3. Problema Sa Buhay
"Kapag meron kaming family problem, madali rin akong maapektuhan. Kaya
minsan, hindi na lang nila sinasabi sa akin kapag may problema sa bahay kasi
baka lang daw maapektuhan ako."
4. Sermon Ng Daddy At Mommy
"Kahit sino naman sigurong anak, eh, mata-taouch kapag pinangangaralan ka ng
daddy at mommy mo, 'di ba? So, ganu'n ako, kapag pinagalian nila ako,
talagang umiiyak ako.
"Pero eventually, 'pag na-realize ko na para rin naman sa kabutihan ko 'yung
ginagawa ko, eh, nagso-sorry rin ako kaagad."
5. Sibuyas
"Kapag tumutulong ako sa pagluluto sa mommy ko at naghihiwa ako ng sibuyas,
napapaiyak talaga ako lalo na kapag tinamaan ka sa mata nu'ng ano niya, ano
ba'ng tawag do'n? Ah, basta, 'yon na 'yon.
6. Role Sa Pelikula O TV
"Kapag heavy drama 'yung role ko, siyempre kailangan kong umiyak. Pero
hirap na hirap talaga akong hugutin 'yung emosyon ko. Kasi nga, masayahin
ako, eh.
"Pero siyempre, para hindi ako mapahiya at magampanan ko 'yung role,
pipilitin ko talagang umiyak. Nagagawa ko naman."
7. Kapag Bini-Blame Ako Sa Hindi Ko Naman Kasalanan
"Naiinis ako sa ganu'n. 'Yung ikaw ang paparusahan kahit na hindi naman ikaw
ang may kasalanan. Umiiyak talaga ako kapag ginagawa 'yon sa akin ni Daddy,
lalo na kapag hindi niya pinakikinggan 'yung side ko. Kapag ganu'n kasi,
feeling ko, wala akong kakampi."
8. Bad Words
"Madali rin akong maapektuhan kapag nakakarinig ako ng masasamang salita lalo
na kung galing 'yon sa parents ko o sa mga kaibigan ko. Para kasi sa akin,
sila 'yung dapat nakakaintindi sa nararamdaman ko kasi sila 'yung close sa
akin.
"So, kapag may naririnig akong hindi ko gusto for them, gusto ko talagang
magkulong sa kuwarto at umiyak."
9. Happiness
"Di ba, puwede naman 'yon. 'Yung naiiyak ka sa sobrang kaligayahan. Merong
ganu'n, di ba? Pero hindi ko pa 'yon nae-experience. Kapag lang nanonood
ako ng pelikula at may ganu'ng eksena, naiiyak na rin ako."
10.Love Songs
"madali rin akong ma-touch sa mga love songs lalo na kung nakaka-relate ako
do'n sa lyrics nu'ng kanta. Do'n ako nagiigng emosyonal lalo na kapag
depressed ako."