ISYU # 1:
Hindi makamemorya ng linya, ano't naging Best Actor pa?
"Aminado naman ako na I have a hard time memorizing lines especially 'pag
mahahaba. Ang importante naman kasi sa pag-arte, eh, 'yung ractions mo.
kailangang nararamdaman mo 'yung role, para makaarte ka ng tama. I don't
research, I want every emotions to come out natural."
ISYU # 2:
Patuloy na pangangayayat, hindi kaya nagbabatak?
"Kaya ako pumapayateh, dahil sa tumatangkad pa ako. Dati 5'3" lang ako, now,
I'm 5'7". Foul naman 'yung balita na nagda-drugs ako. Grabe! Kung alam
n'yo lang ang dalas ng puyat ko dahil sa mga tapings at shootings ko,
hindi na kayo magtataka kung bakit ako nangangayayat.
"To settle this issue, I am willing to undergo a drug test para magkaalaman
na talaga. This issue is already getting into my nerves. So, para
matapos na, magpapa-urine and blood test ako to prove that I am not a drug
user. At 'pag lumabas na 'yung resulta na negative ako, I'm sure mapapahiya
'yung mga taong nagkakalat na drug user ako."
ISYU # 3:
Wala pang katipan, may diperensiya ba sa kasarian?
"What can I do if I still don't have a girlfriend? Sa totoo lang, marami
akong naka-crush-an pero hanggang doon lang 'yan. TANYA GARCIA is just a
dear friend of mine. At saka sa dami ng projects ko sa ngayon, it would
be too hard for me to get into a relationship.
"I am very much sure about my gender. And it doesn't mean that if I still
have no girlfriend up until now, it makes me less of a man. 'Yan ang hirap
sa soceity natin. We always equate masculinity with the number of girls we
have dated. I will not enter into a relationship just because I am pressured
by anybody. Sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang, kung gusto kong
magka-gf sa ngayon, I could get one easily. But the problem is, I have
little time to dwell on a relationship. So, malamang magkahiwalay rin kami.
Huwag na lang."
ISYU # 4:
Lumaki na ang ulo, mula nang manalo?
"Aminado naman ako na paminsan-minsan ay nale-late ako sa mga tapings ko
dahil minsan, eh, nanggaling pa ako sa kabilang set tapos sabay diretso sa
kabila. Unfair naman na sabihing lumaki ang ulo ko. I do't demand extra
attention or special privileges from anybody.
"Kung ano ang kinakain ng lahat, 'yun din ang kinakain ko. Ang dressing
room ko ay room din ng lahat. Hindi ako humihingi na dapat may solo room ako
sa mga locations. So, paano nila masasabing lumaki ang ulo ko? Kung ano
ako before my awards, ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Ang nagbago lang
siguro ay mas lalo akong naging dedicated sa trabaho ko dahil for one,
expectations became high after those recognitions."
ISYU # 5:
Hirap pa ring ibenta, kaya delayed ang showing ng pelikula?
"With regards to my bankability, hindi ko masasabi na I am a major box office
draw or not. Let my producers say their piece of cake with regards to that.
Basta ako, I am very happy na finally ay nai-showing na rin ang
Nagbibinata."
ISYU # 6:
Uso ang loveteam pero, bakit walang kapiling?
"I want to be known as Patrick Garcia. Period. Hangga't maaari, ayoko ng
may ka-loveteam. Hindi ko kayang mag-pretend na sweet sa isang girl pero
hindi naman ako natutuwa sa kanya. Hindi ko kayang magpa-cuteat umarte na
parang kami pero we are seeing each other people naman pala.
"Masaya na ako na nag-iisa. Dala ko lang ang sarili ko. I am not pressured
to be like this or like that. Walang hahanapin na kapareha, walang
pakikisamahan. In short, walang complications. They could have their
loveteam. Fine. Let me be my own and I'll be more than glad to be so."