The First Time I Saw You...
Mylene Dizon
"Ay, cool 'yan. Ganito, I saw this ad sa newspaper and then tinawagan ko
ang taong makakapagbigay sa kanya sa 'kin. Tapos pinapunta ako ng taong
'yun kung saan ko makikita ang prince of my life, so 'yun. I got him.
Ngayon, magkasama na kami sa iisang bahay and we really take care of
each other. Kapag nalulungkot ako, he's only one who could cheer me up
easily. Minsan katabi ko pa siyang matulog. Kapag may time ako,
namamasyal kami, I bring pasalubong for him also. Mahal na mahal ko nga
'yun, eh. He's really gorgeous. Super cute talaga siya. His name is
George. He's a pure-bred cocker-spaniel. O, 'di ba, ang galing!"
John Lloyd Cruz
"Siyempre, dito ko na siya nakilala sa showbiz. Sa Talent Center kami noon,
eh, medyo nahiya pa nga ako dahil baguhan pa lang ako tapos she made me
feel comfortable. Si KAYE ABAD 'yun, of course. It was a year ago when I
first saw her sa personal talaga. Pero dati ko na siyang napapanood sa TV
nu'ng hindi pa ako artista. Ang ganda niya at sobrang nice pa niya sa 'kin,
kaya hindi naging mahirap for me na magustuhan siya. Happy nga ako dahil
hanggang ngayon magkasama pa rin kami. Ang ganda ng friendship namin. Sana
lang hindi ito panghimasukan ng kung sino lang. Alam naman ng lahat na
special siya sa akin, eh."
Carlos Agassi
"Nakilala ko siya sa commercial. We were doing separate commercials then
tapos nakita ko siya. Hindi pa kami artista noon. She did one for
Bench and I was doing one for Magnolia. Tapos nagkasama kami
sa Johnson's commercial. Nagulat na lang nga ako dahil it took us
a while bago kami uli nagkita at dito na kami sa ABS-CBN nagkakilala. Wow,
ngayon ka-loveteam ko pa siya. Sino nga ba? Si CHESKA GARCIA, siyempre."
[ B A C K ]