TEENSTARS' WORST INTRIGUES:
MAALAALA NILA KAYA........
JUDY ANN SANTOS
"Open book na naman ang buhay ko, eh. Alam na ng tao kung ano 'yung
pinakamatinding probleman at intrigang dumating sa buhay ko na talagang
iniyakan ko.
"Ang unang intriga na talagang matindi ay 'yung pagkakagalit namin ni
WOWIE DE GUZMAN. Kung anu-ano kasing masasakit na salita ang nakarating
sa akin mula sa kampo ni Wowie. Hindi ko na talaga ma-take 'yung iba.
Ang sama ng loob ko no'n, kasi feeling ko, nega rin 'yung dating ko.
"Dumating din sa point na umalis ako ng bahay namin para makapag-isip-isip.
Iyak talaga ako nang iyak... Pero ngayon, okey na naman. Wala nang problema.
"Ang isa pang matinding intrigang dumating sa akin, eh, nu'ng time na parang
pinapipili nila ako between my mon and my manager, Tito ALFIE LORENZO. Ang
hirap ng kalagayan ko no'n. Iyak din ako nang iyak.
"Hindi naman kasi ako pupuwedeng mamili dahil pareho silang mahalaga sa
buhay ko. Pero ngayon, okey na ang lahat. Wala na ring problema."
CARLOS AGASSI
"I don't remember anything na muntik nang magpaiyak sa akin. Kasi lahat
naman ng nasusulat sa akin, eh, maganda.
"Lately nga lang, 'yung tungkol sa amin ni JAKE ROXAS and medyo maintriga
nang konti. Meron daw siyang sinasabi against me, pero hindi rin naman ako
kaagan naniniwala do'n.
"Yon pa lang so far... Wala talaga akong matandaang intriga na muntik nang
magpaiyak sa akin."
PATRICK GARCIA
"Ang worst intrigue ko, so far, eh, 'yung lumabas lang recently. They were
accusing me na nagda-drugs daw ako kaya ako pumayat. That's the worst
intrigue, but I'm not affected kasi that's not true naman talaga, eh.
"Kaya lang, apektado ang image ko do'n sa tsismis na 'yon. Kung hindi nila
ako kilala, baka nga isipin nila na ganu'n ako. Hindi nila alam na talagang
malakas makapayat 'yung gabi-babi, eh, puyat ka.
"Ay, meron pa palang isa. Actually, hindi naman siya intriga. It was an
observation from the reporters na sobrang atipatiko raw at suplado ang dating
ko. Pero na-correct naman kaagad 'yon.
"I finally realized na mahalaga pala talaga ang reporters 'coz they are the
one who make write-ups para makilala ka ng mga tao."
DIETHER OCAMPO
"Sa akin naman, ang pinakamatinding intriga na na-experience ko dito sa
showbiz, eh, nu'ng may nagsulat na pinababayaan ko raw ang pamilya ko. Isa
'yon sa pinakamatindi.
"Then, 'yung pagbibintang nila sa akin na bading daw ako, but that doesn't
bother me, kasi hindi naman talaga totoo. Mas apektado ako kapag 'yung
family ko na ang pinag-uusapan.
"Ayoko kasi na pati sila, eh, nadadamay pa sa isyu. At saka, hindi ko
sila kailanman pinabayaan."
[ B A C K ]