YOUNG STAR'S DREAM WEDDING...
JOLINA MAGDANGAL
"If ever ang gusto kong wedding ay 'yung gaganapin sa isa sa mga sinaunang
churches dito sa atin. Tipong sa Lipa, Ilocos, o Malolos. Hindi siya
kailangang maging bongga. Ang mahalaga ay solemn ang ceremonies at hindi
parang nagpipiyesta ang dating. May choir. Maraming bulaklak. Simple pero
elegante."
JUDY ANN SANTOS
"Gusto ko beach wedding. Naka-white dress lang ako na malambot. Nakapaa.
Maraming bulaklak sa paligid. Hindi masyadong maraming tao. Gusto ko tipong
'yung mga relatives ko lang at close friends. Mahangin 'yung lugar at
bandang hapon para hindi mainit."
MYLENE DIZON
"Basta ako, ang gusto ko ay sa beach. I would wear a cotton island dress.
Simple lang at hindi magarbo. But one thing is for sure, ang gusto ko ay
personalized ang ceremonies. 'Yung tipong ako mismo ang gagawa ng script ng
wedding rites. Lahat ng puwedeng palitan ay papalitan ko to make it
more personal. Madalas kasi kahit anong ganda ng kasal nasisira kapag
boring 'yung sinasabi ng wedding celebrant."
DIETHER OCAMPO
"Gusto ko ikasal ako sa may gilid ng burol. 'Yung tipong mahirap makarating
kasi matarik. Maganda kasi 'yung wedding in commune kayo with nature para
mas maganda. And with that kind of setting ay talagang magiging solemn
ang ceremony malayo sa city."
BARON GEISLER
"I want my wedding to be held in the sea. Tipong naglalakad kami sa mga bato
na inilagay para maging tulay sa dagat. Wouldn't it be romantic that both of
you are walking on the water towards the sea while choirs are singing your
favorite song."
RICA PERALEJO
"Minsan lang naman sa buong buhay mo ikaw ikakasal, kaya siguro gusto ko
'yung bonggang wedding. Tipong mala-Lucy at Richard. Ang ganda-ganda kasi
ng kasal nila kaya nga feeling ko hanggang ngayon ay may hang-over pa ako."
[ B A C K ]