Jolina...May Kulang pa ba kay Marvin?





"Well, natutuwa ako na close na close kaming dalawa ni Marvin ngayon. Dati na kaming close, pero, mas lalo pa kaming naging close ngayon. Kasi, mas nakikita ko kung ano talaga ang totoong ugali niya. Mas maasikas siya ngayon sa akin.

Kaya sabi nga, ang kulang na lang naman talaga sa kanilang dalawa ay 'yung pormal na sagutin niya ito ng "oo" para masabing ganap na sila na nga?

"Sa akin kasi, hindi naman basta basta ang pagsagot. Sabi nga ng marami, parang ganoon na rin daw 'yun, kahit daw hindi ko pa sinasagot si Marvin, eh, parang kami na rin naman daw.

"Para sa akin, iba pa rin 'yung sasabihan ko siya ng I Love You. At saka, naniniwala kasi ako na hindi mo naman pupuwedeng pagsabayin ang love at saka ang career mo. Isa pa, hindi naman kami nagmamadali. Basta sa ngayon, enjoy kami na ganito na friends kami or let's say more than friends, pero, wala 'yung tinatawag na commitment," aniya pa.

Ano pa ba naman kasi 'yung hinahanap niyang talaga kay Marvin?

"Hindi ko pa kasi masabi kung ano nga bang talaga, pero, alam ko, mayroon pa sa likod ng isipan ko."




[ B A C K ]
1