BOJO MOLINA is on the middle of the good things.
Balita kasing kumpirmado nang five months on na sila ng kanyang lady love na si
RICA PERALEJO. Pero, sa kung anumang dahilan ay kanila pa rin itong itinatago.
Bagay na kinaiinis ng mga taong malapit sa dalawa.
"Sino ang may sabi niyan?" pagulat pa nityong tanong nang makausap namin
sa telepono.
"Mabuti pa sila alam na nilang mag-on na kami na Karix (palayaw ni Rica)
pero kaming dalawa hindi pa namin alam.
"Kung sakaling kami na nga ay tiyak naman na ipaaalam ko 'yun. Sa akin
mismo manggagaling kung official na bang mag-on na kami. Wala naman akong
alak na itago ang tungkol doon kung talagang may realson na nga kami. Alam
naman ninyo ang feelings ko about the girl. At siyempre, magiging honor sa
akin kung sakali ngang sagutin na niya ako. But as it is, wala pa. Kung
sinuman ang nahsabing mag-on na kami ay baka nanaginip lang iyon.
"How I wish na kami na nga, pero hindi pa talaga, eh," may tinig
panghininayang sa pananalita nito.
Baka naman may kinalaman ang Talent Center kung kaya't hanggang ngayon ay
hindi pa nila mai-announce ang tungkol sa totoong relasyon nila. Balita
kasing ang mga talent when it comes to their true relationship lalo pa't hindi
naman talaga si Rica ang bini-build-up na ka-partner niya sa mga program ng
Dos.
"In fairness to the Talent Center hindi naman sila naghihigpit sa ganyang
bagay. But then, hindi naman for showbiz talaga kung bakit ako
nanliligaw kay Rica, for me, it's more of personal matters talaga kung
bakit ako lumapit sa kanya. So hindi naman siguro dapat na maging part
pa ng kung anong showbiz matters ang tungkol doon.
"Regarding naman sa mga loveteams-loveteams na iyan ay wala naman ako
talagang partner na masasabi kong ibinigay talaga sa akin. Kasi si
MYLENE (DIZON) na lagi nilang nakikita na partner ko sa Gimik, eh,
kumbaga, experiment lang iyon na nagkataong nag-click sa mga manonood. Pero,
wala namang formal na usapan regarding that. Sana, maintindihan nila
iyon."
"Inaalagaan ng Talent Center ang career ko. And that's good, kasi, nakikita
kong may concern sila sa akin at sa ginagawa ko. Pero ako, wala pa ring
nagbabago sa akin. Kung paano nila ako nakilala noon ganoon pa rin naman ako
ngayon, walang pinag-iba at walang ipag-iiba.
"Yung mga nagsasabing yumabang na ako o lumaki na ang ulo ko, I'm sure, hindi
ko sila ka-close kaya nila nasasabi iyon."