RICA...WITH BOJO





ANO nga ba ang development sa friendship nina BOJO MOLINA at RICA PERALEJO?

Sa dami na ng nasulat tungkol sa kanilang dalawa, parang hindi pa rin kapani-paniwala na wala pang rerlasyong namamagitan sa kanila.

"Si Bojo, aaminin kong inspirasyon ko talaga siya, pero wala pang commitment. Hindi ko kasi alam kung ano talaga, kung M.U. ba kami, hindi ko alam exactly kung ganu'n nga ang nararamdaman niya, nakakahiya namang magtanong.

"Although may nararamdamanan na ako para sa kanya, pero hindi pa naman 'yung love na talaga. Ginagamit ko siyang toll para maging maganda ako kapag lumalabas sa taping. Isa siya sa nagpapaganda sa akin," pag-amin niya.

May tsikang binabantayan daw niya si Bojo sa taping?

"Ano ba 'yon? Hindi ako nagbabantay sa taping although minsan ay sa kanya ako sumasabay kapag nagpapalit ng location. Minsan naman kay Dominic. Hindi kami nagbabantayan sa set, hindi totoo 'yon," sagot niya.

Ano ba ang papel ni Dominic sa kanyang buhay? Totoo bang nakikipagpaligsahan din ang binata sa panliligaw sa kanya?

"Isa rin si Dominic sa inspirasyon ko, I think wala namang masama ru'n. Ang pangit ay kung marami akong boyfriend. Tungkol naman sa panliligaw niya, hindi ko talaga alam, hindi ko nga siya maintindihan. Baligtad kasi sila ni Bojo, na may pagka-sweet at showy, si Dominic hindi. Medyo naiilang ako kay Dominic dahil baka mamaya sabihin niyang masyado akong malambing sa kanya. Pero sobrang bait niya, palagi nga akong sumasabay sa kanya dahil palagi kaming magkaeksena. Minsan ay tinutulungan niya pa akong magtupi ng damit, kaya nahihiya ako minsan sa kanya," sabi pa niya.

Between Bojo and Dominic, kanino siya mas close?

"Siyempre kay Bojo dahil I know hin way before Dominic kaya talagang may bonding na kami at alam na niya ang aking sikreto. Nag-confide pa nga ako sa kanya tungkol sa naging problema ko kay RED(STERNBERG) before, kaya lalo kaming naging close," pagtatapos pa ni Karix.




[ B A C K ]
1