MASAYANG ibinalita ni Rico na medyo maganda ang takbo ng kanyang T-shirt
business ngayon aside from computer business. NAgde-design daw kasi si
Rico ng mga T-shirts at ipine-present sa mga private companies at marami
na raw umu-order sa kanya.
"At least, kapag wala ako sa harap ng camera, nandito naman ako sa business ko,
hindi kao nababakante, 'di ba? Kai-start ko pa lang nitong T-shirt designs.
At maganda naman ang response kaya lalo akong naeengganyong ipagpatuloy ito.
"I was tinking before na kapag hindi ito nag-click, e, baka hindi ko ito ituloy.
Kaso ay naging maganda naman ang resulta, so I'm very happy naman. Tapos maganda
rin ang computer buseiness ko, so puwede na. Puwede na akong mabuhay," natatawang.
kuwento pa ni Corics.
Samantala, masayang masaya na ngayon si Rico dahil tuloy na tuloy na ang shooting
nila ni JUDY ANN SANTOS sa Star Cinema. May mga humaharang daw kasi sa nasabing
project kaya natagalan bago ito finally natiloy.
"Actually, mari kasing nangyaring revisions sa script kaya matagal bago ito
na-finalize. But now, tuloy na tuloy na and I'm very excited dahil ang
tagal din namang hinintay ito ng mga fans na sumusuporta sa amin. Para
kasing may humaharang para maipalabas ito.
"Kaya nga nu'ng may mga nakausap akong mga fans na nagsabing magbabantay daw sa
set. Sabi ko naman ay baka abutin kami ng two to three weeks, okay lang daw
dahil maga-absent sila sa mga trabaho nila. Kaya nakaka-touch talaga. Sabi
ko nga, grabe talaga ang suporta sa amin ng mga fans, kaya promise namin
ni Judy Ann na gagawin namin ang lahat para gumanda ang pelikula,"
pagtatapat pa uli ni Rico.
Samantala, ayaw patulan ni Rico ang kanyang mga detractors dahil wala naman
daw siyang mapapala kapag sumagot pa siya nang sumagot.
"Sabi ko nga dati, it's useless na patulan ko ang mga 'yan. di lalo lang
silang matutuwa kasi pinatulan ko sila. Ibig sabihin no'n, apektado ako
sa mga sinasabi nila, di ba? E, kilala n'yo naman ako na ever since ay
hindi mapagpatol sa nga ganyang isyu lalo na kapag showbiz. Alam ko
na ang takbo sa showbiz, kaya sakay na lang ako nang sakay. Ang
concern ko lang ay ang family ko, ang trabaho ko at ang mga
nakakasama ko sa trabaho. At saka unang-una, wala naman akong
tinatapakang tao, hindi naman ako nanggagamit ng tao, so what's the use
para patulan ko ang mga detractors ko. Pabayaan mo na lang sila kung doon
sila masaya, sige lang.
"Basta ako, ginagawa ko ang trabaho ko ng tama. Huwag lang nila siguro
akong kakantiin dahil ibang usapan na yun di ba? So far, lahat naman ng
mga sinusulat ng ibang reporters na may gap kami ni ganito o ni ganyan ay
mga kaibigan ko naman, so siguro 'yung mga nagsusulat ang may gap, hindi kaming
mga artista, 'di ba?" magandang pangangatwiran pa ni Rico.