DIET'S CRUSHES





ANG dami na ring babaing na-link kay DIETHER OCAMPO. 'Andiyan sina DONITA ROSE, VINA MORALES, INA RAYMUNDO, COLETTE CENTENO, at CLAUDINE BARRETTO.

Sa mga babaeng nabanggit, sino ba ang pinaka-the best par akay Diet.

"Actually, pare-pareho lang silangm erong kanya-kanyang magagandang qualities, e. Like si Donita, I like her kasi ang ganda-ganda niya. Si Vina, gusto ko 'yung mata niya kasi ang pungay-pungay. Si Ina naman, gusto ko 'yung body niya kasi ang sexy-swxy. Si Colete naman, 'yung height niya, matangkad kasi siya. Si Claudine, gusto ko 'yung face niya, ang cute niya kasi at kung tingnan, very lovable," ang sabi ni Diet.

From a scale of 1 to 10, sino sa kanila ang medyo perfect score?

"Ang rate ko kay Donita ay 8, kay Vina ay 8 din. Si Ina, 9, si Colette 8 at si Claudine, perfect 10!" ang sagot agad ng binata.

How come na si Claudine ang naging perfect 10 para sa iyo?

"Iba kasi ang dating ni Claudine sa akin, e. Kumbaga sa bagyo, signal number four siya! Pagdating naman sa lindol, intensity 10 siya! Gano'n katindi ang arrive ni Claudine. Besides, kay Claudine ko lang nakita 'yung tipo ng babaeng gusto kong mahalin at ibigin. Ibang klaseng babae si Claudine. Like Mabait, very thoughtful, lovable, at higit sa lahat, understanding at sweet.

Eh ngayon nga raw ay wala ng dahilan para iwasan na ba ang sikat na young actress?

"Sa ngayon ay mahirap pa ring magsalita lalo pa't merong problema si Mark. I'm sure pinoproblema rin ito ni Claudine kahit na paano lalo pa't naging ex-boyfriend niya si Mark. So, ayaw ko munang dagdagan ang problema niya. Besides, ayaw ko ring masabihang nagti-take advantage ako kay Claudine. Na kesyo kaya ko siya pinopormahan ay dahil down si Mark. Liligawan ko si Claudine when the right time comes. Sa ngayon, hindi pa talaga puwede lalo pa't hindi pa rin malinaw ang lahat sa amin. Sabi ko nga, papasok lang ako sa buhay ni Claudine pag ayos na ang lahat.

"Gusto ko, papasok ako sa puso niya, na ako ang mahal niya at ako ang gusto niya! Ayaw kong pumasok na iba ang isinisigaw ng kanyang puso! Gusto ko, ako 'yung nasa puso niya at wala ng iba!" ang mariing na sambit pa niya.




[ B A C K ]
1