AMG MALA-PELIKULANG BUHAY NG MGA YOUNGSTARS







RICA PERALEJO in "Palipat-lipat Papalit-palit"
Una siyang nakilala sa Ang TV ng Channel 2. Ilang panahon pa ay nabigyan din siya ng pansin sa Growing Up naman ng Channel 7. Ngayon naman ay bahagi na siya ng Gimik ng ABS. At ilang buwan lang ang nakaraan ay nagtambal sila ni RED STERNBERG sa It's Cool Bulol ng Viva. At ang latest ay may Flames The Movie naman siya sa Star Cinema. O di ba, ang papalit-palit ng mother studio nitong si Rica. From Red, ay naging si BOJO MOLINA at DOMINIC OCHOA naman ang kanyang naging ka-loveteam?

JUDY ANN SANTOS in "Working Girls"
Kayod kalabaw nga itong si Judai. Aside from Esperanza na 3 times a week niyang tine-tape ay ginagawa naman niya ang pelikula nila ni RICO YAN sa Star Cinema. At baka matuloy din 'yung sa kanila ni ROBIN PADILLA. Grabe talaga itong si Judy Ann, very working girl ang dating. Kung ang mga nag-oopisina 8-5 lang ang pasok, siya ay magdamagan. Ano kaya ang pinaghahandaan ni Judai at super lagare siya lately?

DIETHER OCAMPO in "Mga Basang Sisiw"
Diet's father's untimely demise was a big blow to the family. Because of this ay napilitang magtrabaho sa US ang kanyang ina. Sila namang magkakapatid ay naiwan sa pangangalaga ng kanilang mga kamag-anak. Dumating pa sa puntong kailangan silang paghiwa-hiwalayin. Hitsura nila'y mga basang sisiw na walang tigil sa pag-iyak. Although naging maganda naman ang trato sa kanila, nanduon pa rin ang paghahanap ng kalinga ng isang ina. Tulad ng isang sisiw na naghihintay ng kalinga mula sa malabay na pakpak ng isang ina ay ganun din ang nararamdaman ng batang si Diether.

PATRICK GARCIA in "Kakabakabakaba"
After the dismal flop that was Nagbibinata, ano na kaya ang magiging career directions nitong si Patrick? Hindi kaya siya medyo kinakabahan sa nangyari sa kanyang career. Sayang naman ang taguri sa kanyang Golden Boy of Philippine Movies kung patuloy na mangingitlog sa takilya ang kanyang mga pelikula. Kailangan ng matinding pagpaplano para manumbalik ang bango ng kanyang pangalan. Let's face it, the kid could really act. He really need a good material. May ibubuga pa naman ang bagets.

RICO YAN in "Burgis"
It is a well known fact na lumaki sa de buena familia itong si Rico. Burgis nga siyang maituturing ngunit patuloy pa rin siyang nakikibagay sa agos ng showbusiness. Kung tutuusin ay puwedeng hindi na siya magtrabaho dahil marami silang family business na puwede niyang asikasuhin. Ngunit gusto niyang may mapatunayan sa sarili. Nais niyang maging isang tunay na alagad ng sining. Mayaman nga siya. Ngunit kahit kailan ay hindi mo siya kinakitaan ng yabang unlike some stars we know. Iba na ang may good breeding!





[ B A C K ]
1