RICA'S TREASURE CHEST
1. LETTERS
"Ako kasi, basta kaibigan kita, malalaman mo na sobrang hilig ko ang gumawa ng letters and at the same time, magbigay ng letters. Kahit na anong letters, even small notes and gift tags, itinatago ko lahat 'yun. Kasi, kahit na amgbigay ang isang tao ng gift, 'yung sulat ap rin ang pinaka-sentimental at saka nakaka-touch."
2. GIFTS
"Yung gifts naman, 'yung gifts na mayroong meaning, lalo na 'yung mga surprise gifts. Kasi, para sa akin, kahit na mahal siya or anuman siya, 'yung thought na pinaghirapan ng taong 'yun ang ibinigay niya sa akin. At saka, pinag-isipan niya talagang ibigay sa akin."
3. MB VAN
"Kasi, 'yung MB Van ko, parang bahay ko na rin siya kahit saan ako tumigil, eh, pupuwede na akong matulog sa loob ng MB Van ko."
4. BABY PICTURES
"Kasi, 'yung mga baby pictures ng mga friends ko, 'yun ang kino-collect ko, pati nga rin ang baby pictures ko, kasi cute pa kami nu'ng mga time na 'yun."
5. ONE RED ROSE
"Kasi, 'yung nagbigay niya, dinala niya sa akin ng madaling araw. Ako naman, na-surprise ako roon. Dinala lang niya talaga at hindi ko pa mabigyan ng meaning 'yung pagbibigay niya.
6. WINNIE THE POOH SOCKS
"Binigay yan sa akin ng friend ko at 'yung thought na siya pa lamang ang kauna-unahang nakapagbigay sa akin ng socks na Winnie The Pooh. Eh, alam n'yo naman na 'yan ang collection ko.
7. LACOSTE NA WALLET
"Ang nagbigay sa akin niyan, ang kapatid ko na si PAULA, two years ago pa o two Christmas ago pa. Feeling ko kasi, 'yun ang unang ibinigay sa akin ng kapatid ko na nagagamit ko hanggang ngayon.
8. EARRINGS
"Pero 'tong hikaw na ito 'yung ipinambutas sa ear ko. Sabay kasi kami ng friend kong nagpabutas. Kumbaga, parang wala lang…napag-tripan lang naming magpabutas."
9. CD
"Kasi, 'yung mga CD's ko lang ang kasama ko kapag nalulungkot ako o nade-depress ako."
10. "MY BEST FRIEND'S WEDDING" VHS TAPE
"Aliw na aliw akong talaga sa pelikulang iyan. At 'yan ang tape na paulit-ulit ko talagang pinapanood."
11. CENTENNIAL PLATE
"Kasi, isinunod talaga nila sa pangalan ko, pati 'yung mismong plate number ko."
12. E-MAILS
"Parang doon ko nakukuha 'yung mga nakaka-touch na messages at love stories."
[ B A C K ]