Bigyan lamang sana ng mas magandang pagkakataon, walang dudang kabilang siya sa
iilang artistang matatawag na tunay na bituin. Epektibo sa pagganap at may lalim
sa paghugot ng emosyon. Nakakalungkot isipin na minsan hindi sapat ang kakayahan
o talento ng isang tao para mabigyan ng buong pansin. Pero para kay MYLENE DIZON,
sapat nang ibigay niya ang lahat nang makakaya at mailabas ang husay sa pag-arte.
"I don't ask for anything more in my career. Kung bigyan nila ako ng projects
o hindi that's fine with me. Basta ako I'm just giving my best kung ano 'yung pinapagawa
nila sa akin. My life is not that complicated. Hindi ako katulad ng iba na kailangan
makuha ko ito o kailangan ganito ang mangyari sa career ko. Whatever comes, salamat,
if not naman okey lang.
Marami kasi ang nagtataka na kung sino pa ang mahusay umarte, 'yun pa ang hindi
nabibigyan ng chance para magkaroon ng Star Drama. Naniniwala ka ba na may
favoritism sa Dos kaya mas nabibigyan ng break 'yung iba?
"Kahit saang lugar naman may favoritism. Kahit naman sumama ang loob ko, I can't do
anything about that and I can't change them. One thing more, okey lang naman kung hindi
pa ako nabibigyan ng Star Drama. Kumbaga, hindi pa right time o wala pa akong
karapatan para magkaroon no'n.
"But they're good actors and actresses. In the firat place hindi sila pipilitin lung hindi
sila deserving. Showbusiness is business and these producers will not take the risks of getting
them kung alam nilang talo sila. Hindi umiiral sa akin 'yung naiinggit ako sa iba. Sa akin
makatanggap lang ako ng compliments, enough na 'yon.
How does it feel na hanggang ngayon hindi pa rin ma-push 'yung RICA-BOJO loveteam dahil
mas gusto pa rin ng tao 'yung kumbinasyon ninyong dalawa ni Bojo?
"Lagi ko ngang sinasabi na eversince Bojo and I were never launched as love team, sa Gimik
lang talaga kami magkapareha. But I must admit na maganda ang chemistry naming dalawa pagdating sa
trabaho. Magkatinginan lang kami, alam na namin kung paani iaarte. Gamay namin pareho ang
isa't isa. Isang rason din siguro ay 'yung edad namin ni Bojo parang hindi na pasok 'yung loveteam
na 'yan. Hello! Hindi na kami sixteen para magpa-cute pa. Mas gusto namin 'yung mga serious at
mature roles, dahil mas babagay sa amin. Well, sa mga fans na mas gusto pa rin 'yung team-up namin,
nakakatuwang malaman na nariyan pa rin sila."
Bato ka raw pagdating sa love kaya hindi nagtatagal sinuman ang makarelasyon mo ng
relasyon ninyo ni BERNARD PALANCA? Gaano naman katotoo na nagkakamabutihan na kayo
ni KC MONTERO na kapatid ni TROY MONTERO dahil madalas kayong lumabas at palagi
siyang dumadalaw sa set ng ASAP?
"Bernard and I parted ways na maayos naman ang lahat. We just both feel na we're
not enjoying each other's company anynore so we decided na maghiwalay na lang.
About KC, he's just a special friend and every time we go out, most of the time
grupo kami, with Cheska, LJ, and some other friends. Hindi naman siguro masama 'yun.