Marvin: Goodbye Onli In Da Pilipins!




"Mami-miss ko 'yung matagalan naming pagkikita at pag-uusap ni Jolina!"



Kung meron mang good news, may bad news din sa pang-araw-araw na buhay ngayon ng matinee idol na si MARVIN AGUSTIN. Ang good news? Siya ang itatampok ng ABS-CBN sa kanilang Star Drama Theatre ngayong Nobyembre. At ang bad news? Mawawala nang tuluyan sa ere ang kanilang Onli In Da Pilipins.

"I really don't know. Basta sinabi lang sa amin two weeks ago na we had to go. Simpleng gano'n lang. Nagtatanungan kami sa set. Ni isa sa amin ay walang maidahilan kung bakit tatanggalin ang Onli.... Nakakatawa nga, e. Para bang, O 'di na tayo magti-taping bukas. Kung bakit? Wala lang," nakangiting pahayag pa nito.

"Iba siyempre 'yong may regular kang income. At least, alam mo kung paano mo mo kokontrolin ang mga gastusin mo. Ngayong wala na ang Onli... tipong babawas-bawasan ko muna ang pagbibili ng kung anu-ano na hindi importante.

"Nakakalungkot nga, e, nataon pa namang mayroon akong bagong hinuhulugan ngayon," tukoy ni Marvin ay ang bago nitong Toyota RAV 4, pinakabagong modelo ng Toyota at nagkakahalaga ng halos isa't kalahating milyon.

"Pero, hindi naman lahat, e binabayaran ko. 'Yung pinagbilhian ko ro'n sa Vanette ko, 'yon ang ipandadagdag ko. Binili at inutang, gano'n," naguguluhan pang banggit ni Marvin.

Dahil nga raw sa pagkakatigbak ng Onli... mababawasan ang pagkikita nila ng kanyang labs na si JOLINA MAGDANGAL.

"Mami-miss ko siyempre 'yung matagalang pagkikita at pag-uusap. But we promised each other na tuluy-tuloy pa rin ang communication namin," sey pa ni Marvin.

Sa kanyang bagong pelikula, bakit yata wala si Jolens?

"Nu'ng kino-conceptualize ang Magandang Hatinggabi, hindi talaga kasama sa cast si Jolina. Hindi kasi loveteam ang ibebenta rito. Saka, magandang way ito para hindi rin kami pagsawaan ng mga tao. Maganda 'yung flexible. Puwede kang i-pair kahit kanino.

"Like sa Star Drama. Noong gumawa ng apat na episodes si Jolina for October, hindi talaga ako kasali sa listahan ng kanyang mga guests. And now, it's my turn this November. Talent Center agrees na mas makabubuting huwag muna kaming pagsamahin. "I heard, may gagawing follow-up yata kaming dalawa ni Jolina by the end of this year. Hindi ko lang alam kung mafa-finalize na 'yon," banayad pang balita ni Marvin.




[ B A C K ]
1