THE SERIOUS SIDE OF RICO




"Love is not a game. There's pain, there should always be sacrifices!"



RICARDO CARLOS CASTRO YAN
Pangalang bago pa man pumasok sa mundo ng showbusines ay may sarili nang mundong ginagalawan. Mundo ng mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Napapaligiran ng mga magagarang kasuotan, ng mamahaling mga kagamitan.

Nang kinawayan siya ang showbusiness at 'di nakatanggi sa paanyaya nito, binuhay sa atin ang katauhan ng isang Rico Yana at sa kabila ng mataas na katayuan sa buhay ay tinangkilik ng masa. Tinanggap, inidolo, minahal, at hinangaan.

At sa kabila ng pagkakakilala natin sa kanya bilang isa sa pinakamainit nating kabataang aktor sa kasalukuyan, ang mga bagay na natutuhan at pinaniniwalaan, saan man daw siya makarating, ay 'di niya kalilimutan.

LOVE
"Love is not a game. It's a gamble that you have to take the risk so that you will know if you will win or not. In love there's pain, there should always be sacrifices"

"Ako, kahit kailan, wala akong nilokong tao. I only had one girlfriend and our relationship lasted for four years. Minahal ko siya at minahal din niya ako, but we have to lead separate ways. She has to go on with her life and I have to go on with my life, too."

PRE-MARITAL SEX
"Sex is a sacred act of procreation. I think nagiging masama ang pre-marital sex kapag ang gumawa ng ganitong act ay 'yung mga taong hindi pa ready for responsibilities. Especially 'yung mga wala pa sa right age at hindi pa matured enough na kung magkakaproblema, baka pati ang sarili nila ay hindi kayang buhayin."

FRIENDSHIP
"I consider my friends as my second family. Bukod sa family mo, sila 'yung puwede mong takbuhan, hingan ng tulong. People that are always willing to listen to you, tutulungan ka 'pag may problema ka, nandiyan para suportahan ka."

"Sila 'yung mga kasama mo through thick and thin. Whatever happens to you, nandiyan sila para sa iyo."

FAMILY
"My greatest possession in life. They are the people who knows the real Rico inside and out.

"Sila pa rin 'yung uuwian mo kahit na ano ang mangyari at hindi tatalikod sa iyo kahit kailan."

MARRIAGE
"I find it very scary. Imagine magsasama kayo for lifetime-two people with different upbringing, different beliefs, different principles in life.

"Hindi puwedeng 'pag hindi kayo nagkasundo ay maghihiwalay kayo nang ganu'n-ganu'n lang. You have to consider many things first lalo na 'pag may anak na kayo. Kaya nga ako, never akong pumapasok sa isang relasyon na hindi ako ganoon kasigurado, mahirap mapasubo."

BROKEN FAMILIES
"Pitiful, nakakalungkot lalo na sa parte ng mga bata dahil sila ang talagang maaapektuhan. Dito mo maiisip, sometimes love is not enough para mag-work ang isang relasyon. 'Di mo naman masasabi na hindi nagmamahalan ang mga nag-asawa, dahil in the first place, hindi ka naman siguro magpapakasal sa hindi mo mahal 'di ba?

"Siguro if you come to the point na nagkakagulo na ang isang family, try to save the marriage, again, bata kasi ang mas mahihirapan sa bandang huli."

HOMOSEXUALS
"I'm not against them pero, 'di ba, sabi sa Bible, dalawa lang daw ang creation ng God, a man and a woman?

"I also have friends na gays especially sa showbiz na marai talagang ganito. Okey naman sila sa akin pero bihira lang talaga ang nakaka-close ko."

RELATIONSHIP WITH GOD
"The Creator of everything. Alam ko, there are times na nagkukulang ako sa Kanya pero I always try to make up, and I'm thankful dahil ang dami Niyang blessings sa akin.

"Our powerful Supreme Being."




[ B A C K ]
1