Judy Ann Santos
"Actually nu'ng isang taon pa 'yan. Noong nabanggit sa akin dati, hindi ko
gaanong sineryoso hanggang naging malaking usap-usapan na nga. Nagulat ako na
halos lahat, ito na 'yung pinag-uusapan hanggang sa tanungin ako ng iba. Ako naman, confident ako
na hindi ako 'yun pero sa isip kaya ng ibang tao, maniwala pa kaya sila 'pag sinabi kong
hindi ako 'yun?
"The damage is already done, hindi mo na mababago kung ano ang gustong isipin ng ibang tao. Sana
sa mga gumagawa nu'n, titigilan na nila kasi 'di nila alam kung ano ang nasisira nila."
DOMINIC OCHOA
"Basta ba maganda ang itsura, kung malaki ang tiyan ko at pinalaki
pa nila, magrereklamo talaga ako. 'Pag maganda naman ang kuha, deadma, the keyword in
showbusiness. Ang importante kasi sa akin, basta malinis ang konsensiya mo, wala kang
dapat na ipaliwanag.
"Yang mga taong mahilig sa internet, mag-chat, e-mail walang magawa ang mga 'yan sa buhay
nila. Sana huwag naman nila kaming idamay na nagtatrabaho nang maayos. At sa mga
gumagawa ng ganyan, I still believe in karma."
RICA PERALEJO
"Magugulat ako, siguro hindi ko alam ang gagawin ko. Kakausapin ko
kaagad ang mommy ko.
"Sana magkapuso at makinig naman sa conscience nila ang gumagawa ng mga ganyang klase
ng work. Sobra nilang sinisira ang isang tao.
"Ang dami-daming papalit-palit ng mukha, very very eqasy to change faces and put it in
to different pictures. 'Pag sa akin nangyari 'yan, deadma lang ako, basta siguraduhin lang
nilang maganda ang kalalabasan.
"For those people na ganyan ang pinagkakakitaan, get a life. Ang mabuti pa ninyong
gawin at humanap kayo ng kaibigan, enjoy your life at humanap kayo ng maayos na trabaho."
MARVIN AGUSTIN
"First reaction, matatawa ako tapos siguro magtatanong ako na paano nila
nagawa na palabasing ikaw ang naghubad na hindi naman ikaw talaga.
"Buhay pa lang kayo, sinusunog na ang mga kaluluwa ninyo sa impiyerno."
JOLINA MAGDANGAL
"Nakakalungkot isipin na sa sobrang hirap ng buhay, sa kagustuhang
mag-survive ang tao, willing na sika'y gumawa ng kasalanan o kahit na makasira na ng iba,
magkapera lang at makatugon sa pangangailangan nila.
"I hope na titigil na sila, our government should do something about this."
KRISTINE HERMOSA
"Maiiyak yata ako. Feeling ko kasi niyan binabastos ako, na parang
binabago ang buo kong pagkatao.
"Please tumigil na kayo. Kawawa naman 'yung mga artistang nagtatrabaho nang marangal
na sinisira ninyo 'yung pangalan."
JOHN LLOYD CRUZ
"Magagalit ako at baka masuntok ko pa kung sino man ang gumawa nu'n.
Kahit bayaran pa ako ng isang milyon o kahit na ilang milyon pa, hindi ako
papo-pose nang hubad dahil kaya ko pa namang kumita sa malinis na paraan.
"Makonsensiya naman sana kayo. Matakot kayo sa mga pinaggagawa ninyo."
G. TOENGI
"Nakita ko na 'yung picture and it was supposedly taken during
my pictorial with Raymund Isaac. Nagulat na lang ako kasi wala naman akong kuhang ganu'n.
Ang dating kasi parang break ng photo-shoot nang kunan 'yun. As far as I'm concerned
wala akong ganu'ng kuha. I am the least affected."