JOHN LLOYD CRUZ
"Masakit, kasi ang mga gumawa pa sa akin nito ay 'yung dati ko
pang kaibigan. Noong hindi pa ako napapasok sa showbiz, sila ang barkada ko. Kaya lang,
nu'ng nandito na ako, nagbago sila ng trato sa akin.
"They are giving me special treatment na ayokong ginagawa sa akin. Lagi nilang sinasabing
artista na raw ako kaya dapat lang na espesyal ang trato nila sa akin. Of course,
naaasiwa ako. Hanggang dumating ang time na may nabarkada akong tini-treat ako ng ayon sa
gusto ko. Doon ko nabalitaang ipinagkakalat ng mga nauna kong barkada na kesyo raw masamang
influence ang mga bago kong kaibigan, na kesyo nag-iba na raw ako."
NIKKI VALDEZ
"Nagkaroon ako nu'n ng isang kaibigang lalaking naging close na close
sa akin. I know he likes me and I also like him din naman. I thought, our friendship
will turn into something special hanggang one day, nalaman ko na lang may girlfriend
na pala siya. Ang feeling ko kasi, pinaasa lang niya ako."
JOLINA MAGDANGAL
"Napunta ako sa isang barkadahan. Ang ganda ng pakita ko sa kanila tapos
mayroon palang isa sa barkadang 'yun ang 'di ako gusto. Nalaman ko na lang na she's
saying something wrong pala about me.
"Noong nalaman ko ang tungkol dito, umalis na lang ako sa barkadahan nila."
MYLENE DIZON
"May isang taong gustong makipagkaibigan at maging part ng barkadahan namin.
Tinanggap namin siya with our whole heart, itinuring namin siyang parang kapatid na rin namin.
Tapos nalaman kong sinisiraan pala niya kaming lahat. Nagalit ako nang husto, naisip ko
who is she para sirain 'yung friendship na pinaghirapan naming buuin.
"We confronted her, umiyak siya at umamin sa amin. Sa ngayon, kinalimutan ko nang
nage-exist pa siya."
KRISTINE HERMOSA
"Yung dati kong best friend. Pinagkatiwalaan ko siya nang husto,
halos lahat ng secrets ko, sinasabi ko sa kanya tapos mababalitaan ko, sinasabi
pala niya sa iba.
"Tapos one time kinausap niya ako na hindi na raw ako ang best friend niya dahil
nakakita na raw siya ng iba. nasaktan ako pero naisip ko, I have to move on with
my life, makakahanap din ako ng magiging best friend ko na sigurado akong totoo sa akin."
DIETHER OCAMPO
"Sabi nila, sa showbiz daw mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Alam kong
kahit papaano makakakita ka pero talaga palang mahirap. May mga tao kang pagkakatiwalaan na sa
bandang huli malalaman mong sinisiraan ka pala.
"Siyempre masakit sa akin 'yun. Bah, kahit na artista ako, tao pa rin naman kaming
nagtitiwala at nasasaktan."
ANNA LARRUCEA
"I had my best friend before na I trusted and I loved so much because I
thought she's not like other showbiz and non-showbiz people na akala mo kung sino.
"Tapos nakita ko one day, she was going out with people na hindi ko gaanong kasundo. Na-hurt
ako kasi simula nu'n, 'yun na ang madalas niyang kasama.
"Masakit, kahit na hindi na kagaya ng dati, I still consider her as a friend."
BOJO MOLINA
"I had a girlfriend before na sobrang mahal ko. Tapos one day, kinausap niya ako at
nagulat ako sa sinabi niyang nagkabalikan na raw sila ng ex niya.
"Masakit but I let her go. Pinatawad ko na siya kahit na masakit na masakit sa akin."