KAYE'S DREAMS IN LIFE
DREAM YOU
"Sana maging successful actress pa ako. At saka gusto ko rin na maging princess. Feeling ko, ang sarap maging princess. Pero ayoko no'ng princess na senyo-senyorita siya. Gusto ko siyempre 'yung meron siyang ginagawa. Yung parang normal pa rin siyang tao, hindi naka-gown. Pero princess siya."
DREAM MAN
"Siyempre, gusto ko 'yung understanding, sweet, thoughtful at saka mabait. Gusto ko rin naman ng mataas, moreno. Ayoko sa lalaki ng mahaba ang buhok. At saka siyempre, 'yung simple lang. Ayoko no'ng maraming ala-alahas sa katawan."
DREAM DATE
"Gusto ko 'yung kumakain kaming dalawa, pero nasa water kami. Parang naka-float kami sa water. Kahit anong klase pa 'yung sinasakyan namin. Pwedeng sa yatch. At gusto ko, ganoon lang, pero kaming dalawa lamang at saka candlelight."
DREAM WEDDING
"Simple lang, garden wedding. Tapos, ang motiff ko, light blue. Kasi, malamig siya sa mata. At saka, gusto ko 'yung reception sa bahay lang. Para simple lang, pero, kailangang elegant din ang dating. Yung wedding gown ko, simple lang din at ayoko no'ng mahaba ang buntot."
DREAM HONEYMOON
"Ang gusto ko sa Baguio...hindi pala, sa Hongkong. Ah, hindi sa Australia. Ang totoo na talaga, sa New York! At least doon, nandoon din ang mga relatives ko."
DREAM LAND
"Ang gusto ko roon sa place na maraming flowers. Tapos mayroong isang portion doon na mayroong water na clear. Tapos, may mga ibon at mayroon din doong maliit na bahay. Doon ako mag-i-stay."
DREAM ROLE
"Gusto ko namang gampanan 'yung role ng isang retarded. 'Yung may sakit...pagkatapos, mamatay ko. Tapos nasa hospital ako, magpapaalam dahil mamatay ka na."
DREAM HOUSE
"Simple lang....ayoko no'ng masyadong malaki kasi, nakakatakot. Pero ang gusto ko, 'yung parang mga bahay sa States. At saka, as much as possible, gusto ko, 'yung aircon, centralized. At saka, gusto ko rin na 'yung kitchen ko, eh, maganda, para gaganahan akong magluto. At saka, 'yung gusto kong bahay, made of narra siya at saka, dapat carpeted kasi, centralized nga siya."
DREAM CAR
"BMW, kasi maganda siya. Pang-formal."
DREAM HOLIDAY
"It's either with my family or with my friends. Sa isang out-of-town at overnight kami roon. Tipong picnic-picnic kami roon."
[ B A C K ]