PATRICK...HINDI NA RAW HOT?





BATA pa lamang si PATRICK GARCIA ay nakitaan na ng malaking potensiyal, maging sa pag-arte lamang niya'y ilang beses na rin namang pinarangalan. Sa popularity naman, hindi maikakailang tinagurian na itong Crush ng Bayan.

Although, mukhang malaki nga raw yata ang pagbabagong nangyayari ngayon sa career ng binatilyo. Mukhang humihina at bumaba na raw yata ang popularity ng isang Patrick Garcia.

Ano ang masasabi niya rito?

"Well, if that's their opinion, then I cannot do anything about that. Opinion nila 'yun, bahala sila. Siyempre, I cannot expect everybody naman to say same things on me. So, okey lang 'yun. Normal lang," sabi nga ni Patricio.

"For me, I never think naman of myself as really popular or sikat. I just do my job and that's it. If they give me work to do, then, fine with me. I do it, pero, 'yung pagiging sikat, 'yung mga tao lang naman ang nagsasabi noon. I'm here to work and that's it," walang-gatol pang pahayag nito.

Sa ngayon nga, muli na namang napapanood si Patrick sa Mula Sa Puso, ang isa sa pinakapopular na serye ng bansa. Kaso, may mga nakakapansin naman na parang basta na lang din siya ipinasok at hindi masasabing ganoon kalaki ang exposure niya?

"Well, I cannot please everybody. Before, when I'm still absent in the show because I went to States, they are saying na hindi na ako babalik. Or they are putting some intrigues. Ngayon naman na bumalik na ako and what they are saying are not true, may isyu pa rin.

"Okey lang sa akin kahit na anong maging role ko. As far as I know, I'm one of the originals in the show and siyempre, lahat naman iniikutan ng story. Hindi naman pupuwedeng sa akin lang naka-sentro. At saka, kakapasok ko pa lang ulit, so, maybe pagtagal-tagal, sa akin na ulit 'yung story. And for me, it doesn't matter kahit sinasabi pa na mas maaga pa akong makakauwi."

Sa tingin ba niya, maganda ang attitude niya na ganyan? 'Yung tipong parang cool siya sa lahat ng bagay. Tipong 'yung iba tuloy, parang nauungusan na siya?

"Well, it's better to be cool, right? If it's really your time. Time mo talaga. At kung ano man ang dumating, sa 'yo talaga. Okey lang naman ako ngayon. In fact, I have a new show again and also, we've started shooting Gimik, The Movie".

Speaking of his new show, balitang ang ibi-build-up raw na ka-loveteam niya rito ay no-less-than JOLINA MAGDANGAL na siyang ka-partner naman ni MARVIN AGUSTIN.

Okey lang ba sa kanya 'yung ganoong idea?

"I still don't know anything about that. I don't know if they will make me and Jolina as a loveteam. Kasi, mayroon na siyang ka-loveteam. Nag-i-start pa lamang naman kami kaya hindi ko pa alam how the story goes. Wala namang sinasabi sa akin ang Talent Center," aniya pa.

If ever na sila ni Jolina nga ang gagawing bagong magkaloveteam, okey lang ba sa kanya?

"If it's okay with Talent Center, okey lang. But as far as I know, ayaw naman nila na may ma-e-establish na ka-loveteam ko talaga. Mas gusto pa rin nila 'yung iba-iba ang partner.

"At least, pag ganoon, kahit kanino, puwede kang i-partner," huling hirit pa niya.




[ B A C K ]
1